Halimuyak ni Aya (315)
PAGKAAWA ang nadama ni Sam sa kanyang Mama Cristy habang patuloy na binabasa ang sulat ni Aling Imelda. Sa kabila na nabuo siya dahil sa pagpatol sa Saudi na si AbÂdullah (tatay niya) wala siyang nadamang galit sa mama niya. Nagpapasalamat pa nga siya at isinilang. Humahanga siya sa kanyang mama sapagkat pinagpilitan siyang maisilang. Nang maisilang siya saka namaÂn ito namatay.
Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa sa sulat ni Aling Imelda:
“Umiyak ka dahil sa problema. Paano ang gagawin mo? Unti-unti ay mahahaÂlata ang paglaki ng tiyan mo. Kapag nalaman ng amo ang dahilan ay baka ka isumbong sa pulis. Kasalanan iyon. Nabuntis ka na walang asawa. Baka ka makulong. Ang maÂtindi ay baka ka pagbintangan ng amo mong babae na ang ama ng ipinagbubuntis mo ay ang asawa niya.
“Nag-isip ako ng paraan kung paano ka matutulungan. Pinayuhan kita na tumakas. Iyon ang naisip kong paraan para ka makaligtas sa kapahamakan. At nang sabihin ko sa iyo ang paraang iyon ay nakita kong natulala ka. Hindi mo alam kung paano ang gagawin. Ipinaliwanag ko sa’yo na kapag hindi ganoon ang ginawa mo, maaaring malagay ka sa problema. Kapag nahalata ang nasa tiyan mo, baka mas malaking problema.
“Isa-isa kong sinabi ang mga gagawin mo. Huwag kang magdadala ng damit sa pagÂtakas sapagkat pabigat lamang ito. Isa pa, kung wala kang damit, magiging kapani-paniÂwala ang iyong pagtakas.
“Magtungo ka sa Philippine Embassy at doon ay sabihin mong ginahasa ka ng iyong amo. Kailangang umarte ka na. Kunwari ay maghisterikal ka para maging kapani-paniwala ang lahat. Kailangang kayanin mo ang sinabi ko sapagkat iyan lamang ang tanging paraan para ka makaligtas.
“Alam ko, hindi maganda ang payo ko sa’yo sapagkat malaking pagsisinungaling ang sasabihin mong ginahasa ka. Pero wala nang ibang paraan. Kahit pa bali-baliktarin mo ang utak mo, wala kang maiisip na paraan. Kaya nga kahit alam kong mali ang pagtuturo ko sa’yo, ang sa akin ay para ka makaligtas --- hindi lamang sa batas sa Saudi kundi pati na rin sa galit ng asawa mong si Philipp. Kasi kung malalaman ni Philipp na ginahasa ka ng iyong amo, ano pa ang magagawa niya. Matatanggap ka pa rin niya sa palagay ko. Malakas ang paniwala ko na muli kang mamahalin ng iyong asawa. At hayaan mo na lang ang mga susunod na pangyayari. Kapag lumobo ang tiyan mo, wala nang magagawa pa sapagkat hindi mo naman kasalanan ang nangyari.
“Basta’t ang payo ko sa’yo ay huwag kang mawawalan ng pag-asa. Basta buhayin mo lang ang iyong pinagbubuntis.
“Sana sagutin mo ang sulat na ito. Muli kitang susulatan para malaman ang mga nangÂyari sa iyo. Itago mo lang ang sulat na ito. Hindi na kita naÂgawang puntahan sa Philippine Embassy sapagkat ayaw na akong payagang lumabas ng aking amo.
“Sige Cristy, hanggang dito na lamang at dalangin ko na lagi kang nasa mabuting kalagayan. Ingatan mo ang anak mo. Hanggang sa muli.†– IMELDA
Iyon pala ang buong istorÂya kaya siya nabuo. Kawawa naman ang mama niya. Kung makakausap niya si Aling Imelda siguro’y marami pa itong maikukuwento sa kanya. Pero saan naman niya ito hahanapin? Sana ma-meet niya si Aling Imelda.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang marinig niya ang pagpasok ni Aya.
“Ano ’yang binabasa mo, Sam? Parang seryosong-seryoso ka.â€
“Sulat ng kaibigan ni Mama.’’
“Anong sinasabi? Parang lumang-luma na ang sulat na ‘yan?â€
“Noong 80’s pa ito…â€
Ikinuwento ni Sam kay Aya ang laman ng sulat.
(Itutuloy)
- Latest