^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (243)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SAAN mo nalimutan ang susi, Aya?’’ tanong ni Sam na halatang awang-awa kay Aya. Palagay niya matagal nang naghihintay si Aya.

“Sa loob ng bahay. Napindot ko na ang lock bago ko nalaman na wala sa bag ko ang susi.’’

“Sana tinawagan mo ako para madali akong nakauwi.’’

“Nalimutan ko rin ang CP ko sa loob. Ewan ko ba kung bakit malilimutin na ako.’’

Kinapa ni Sam ang kanyang backpack at kinuha roon ang susi. Sinusian ang pinto.

“E di gutom na gutom ka na?” Tanong ni Sam nang makapasok sila sa loob.­

“Kumain na ako sa McDo.’’

‘‘Nilamok ka?’’

‘‘Oo. Ang daming lamok.’’

Nakonsensiya si Sam. Kung hindi siya nagtungo kina Julia hindi sana naghintay nang matagal si Aya.

“Huwag sana ako ma-dengue. Uso ang dengue ngayon ano?’’

Hindi makapagsalita si Sam. Hindi rin siya ma­katingin nang de­retso kay Aya. Paano kaya kung doon siya na­tulog kina Julia? Mag­damag na maghihintay dito si Aya? Habang siya ay nakikipag­laplapan kay Julia ay pinapapak naman ng lamok si Aya. Kawawa naman.

“Nag-library ka ba Sam?’’

Parang nahirinan si Sam nang sumagot.

“Oo nag-library ako.’’

“Kasi ang alam ko kapag ganitong Wed­nes­day e maaga ang labas mo sa iyong klase.’’

“Oo nga. Pagka­tapos ko kasi sa library e nakita ako ng kaklase ko sa high school at niyaya ako sa boarding house niya sa P. Noval. Nagkuwentuhan kami.’’

“Babae o lalaki?’’

“Siyempre lalaki.’’

“E di ba kaklase mo rin si… sino nga yun? Si...’’

Napalunok si Sam. Parang nahuhulaan na niya kung sino ang tinutukoy ni Aya.

‘‘Sino nga yun, Sam? Parang nasa dulo ng dila ko e... si kuwan. ‘Yung nagpapa­turo sa yo nung nasa high school kayo… yung parang ma­landi…’’

“Si Julia?’’

“Oo si Julia. Hindi ba siya ang pinuntahan.’’

Napalunok uli si Sam. Intuition kaya ’yun. Bakit parang na­huhulaan ni Aya.

‘‘Hindi. Matagal ko nang hindi nakikita yun.’’

Napatango-tango na lang si Aya.

Maya-maya, may sinabi si Aya. Tungkol kay Mama Brenda.

‘‘Sam, subukan uli nating puntahan si Mama. Nami-miss ko na siya. Puwede ka?’’

(Itutuloy)

AKO

AYA

JULIA

MAMA BRENDA

NAPALUNOK

OO

SAM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with