^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (117)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKA next month ako pumunta riyan, Aya. Kailangan kasi sa first batch ako masama. Kailangan maipasa ko ang college entrance…’’

“Siyempre maipapasa mo ‘yun ang tali-talino mo ano?’’

“Hindi naman gaano, Aya.’’

“Hmmm, pa-humble effect ka pa.’’

“Puwede kaya mag-review ako diyan para makasiguro ako na papasa.’’

“Oo. Sasabihin ko kay Mama na eenrol ka. Pero kailangan, aga­han mo pagpunta para makapag-review ka. Sasamahan kita Sam. Don’t worry at ako ang magga-guide sa’yo.’’

‘‘Salamat Aya. Ha­yaan mo at kapag na­ kapasa ako sa entrance at naging doktor in the future, ako ang gagamot sa’yo. Promise.’’

Napahagikgik si Aya.

‘‘Ang tagal pa nun. Pero sana mag-derma ka, Sam?’’

‘‘Balak ko, Cardio.’’

“Ay sana Derma, para ikaw ang mag-aalaga sa skin ko.’’

“Hindi na kailangang i-derma ang skin mo dahil flawless ka na. Ang kinis na ng kutis mo, Aya.’’

“Oww, ano ‘yan bola o totoo?’’

“Totoo. Hindi naman ako marunong mambola.’’

‘‘E yung nagpapa-tutor sa iyong si Julia, hindi mo binobola.’’

“Siyempre hindi. Ba’t ko naman bobolahin ‘yun.’’

‘‘Ah okey. Sige po Doktor, hihintayin kita sa pagpunta mo rito. Excited ako Sam. Ta­wagan mo ako kapag pupunta ka na rito. Susunduin kita sa bus station.’’

“Oo, tatawagan kita. Excited na rin akong pumunta riyan. Gusto na kitang makita at si Mama Brenda.’’

“Ihahanda ko na ang tutulugan mo rito.’’

“Salamat. Ano nga pala gusto mong pasalubong?’’

“Huwag na. Mahirap magbitbit. Sige, babay na. Tinatawag ako ni Mama.’’

Sinabi ni Sam kay Tatay Ado at Nanay Cion ang balak na pag­luwas sa Maynila para kumuha ng college entance exam. Walang tutol ang mag-asawa. Ang totoo, sa isang mahusay na unibersidad sa Maynila gusto nilang mag-aral si Sam.

“Sige Sam. Pero kaya mo na bang magbiyaheng mag-isa,’’ tanong ni Tatay Ado.

“Opo. Sasalubu-ngin naman ako sa terminal ni Aya.’’

‘‘Baka sikip na sa bahay nila.’’

“Malaki po ang bahay nina Aya. Mara-ming kuwarto. Lilinisin na nga po ang tutulugan ko.’’

Napatango na lang ang mag-asawa. Sang-ayon sila kay Sam.

Hanggang sa dumating ang araw ng pagtungo ni Sam sa Maynila. Nagpaalam siya sa lolo at lola.

“Mag-ingat ka, Sam…’’ sabi ni Tatay Ado. (Itutuloy)

AKO

AYA

KAILANGAN

MAG

MAMA BRENDA

MAYNILA

PERO

SAM

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with