^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (93)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL na nakatitig si Sam kay Aya. Hindi ganito ang inaasahan niyang itsura ni Aya. Akala niya ay nene pa pero dalaga na pala. Mala-king bulas. Walang kasing ganda para sa kanya. Mahabang buhok, magandang mga mata, matangos na ilong at makinis ang kutis. Yun yata ang kutis na flawless.

“Hoy Sam!’’ Sabi ni Aya.

Nagulat si Sam. Saka lamang siya nanumbalik sa katinuan. Nabighani siya ni Aya.

‘‘Kumusta ka Aya?’’

‘‘Eto naman kung maka­pagtanong e kahapon lang magkausap tayo at kinumusta mo ako. Ibahin mo naman ang tanong.’’

“Oo nga ano? How are you?’’

Napangiti si Aya.

Saka lamang napansin ni Sam si Mama Brenda na noon ay kausap ni Tatay Ado at Nanay Cion.

Lumapit siya kay Brenda at nagmano. Hinalikan siya ni Brenda pagkatapos. Nakatingin lang si Brenda.

‘‘Akala ko hindi mo na ako lalapitan, Sam,’’ sabi ni Brenda,

‘‘Lalapitan ko po talaga ikaw, Mama Brenda e bigla po akong nagulat kay Aya. Kasi ang ganda niya!’’

Nagtawanan sina Tatay Ado, Nanay Cion at Brenda. Nakangiti lang si Aya.

‘‘Maganda ba ‘yan, Sam?’’ tanong ni Brenda na halatang niloloko si Aya.

‘‘Opo. Maganda po. Mana po sa’yo.’’

‘‘Ngi!’’

‘‘Totoo naman po magkamukha po kayo ni Aya.’’

‘‘Sige, sige kamukha na kung kamukha. Siyanga pala Sam kunin mo ang mga pasalubong namin sa inyo. Nasa sasakyan. Pakidala mo sa bahay,’’

‘‘Opo Mama Brenda.’’

‘‘Mabigat ang isang kahon baka ka mahirapan. Mag-usong kayo ni Aya.’’

‘‘Kaya ko po yun kahit hindi kausong si Aya.’’

“Sige kunin mo na, Sam,’’ sabi at pumasok na ito sa bahay kasama ang dalawang matanda.

Naiwan si Aya. Naka­tingin kay Sam.

‘‘Diyan ka lang at kuku­nin ko ang mga pasalu- bong sa sasakyan.’’

“Tulungan na kita Sam.’’

‘‘Kaya ko yun, Aya.’’

“Samahan na kita.’’

Tinungo nila ang sasakyan. Binuksan ni Sam ang pinto. Nakita ang ilang kahon at bag doon.

“Yang kahon na yan ang kunin mo Sam.’’

Kinuha. Mabigat nga. Pinasan ni Sam.

“Kaya mo?’’

‘‘Oo naman.’’

Dinala ni Sam sa bahay. Nasa likuran si Aya.

Sa kuwarto ni Aya dinala ni Sam ang kahon. Ibinaba nito ang kahon sa sahig.

‘‘Halika Aya. Ito ang kuwarto mo!’’

Pumasok si Aya. Ha-ngang-hanga sa magandang kuwarto.

‘‘Ang ganda, Sam!’’

‘‘Ako ang naglilinis nito lagi.’’

“Salamat, Sam.’’

Nagkatinginan sila.

“Ang ganda mo Aya!’’

‘‘Ikaw ang guwapo mo!’’

(Itutuloy)

AYA

BRENDA

HALIKA AYA

HOY SAM

KAYA

MAMA BRENDA

NANAY CION

SAM

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with