^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (26)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ARAW ng Linggo noon. Niyaya niya ako na mamasyal kami. Manonood daw kami ng sine at saka kakain. Nasorpresa ako nang daanan niya ako sa dorm dahil may dalang sasakyan. Marunong palang magmaneho si Paolo. Hindi ko akalain dahil tingin ko e lalamya-lamya. Isang segunda manong Toyota sedan ang minamaneho. Hiniram daw niya sa pinsan niya. May kotse raw siya pero nasa probinsiya.

“Nang bantulot pa akong sumakay ay bu­maba siya at inalalayan akong sumakay sa kotse. Nang patakbuhin na niya ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Saan kaya talaga kami tutungo?

“Sa isang mall sa may Roxas Blvd. kami nagpunta. Iyon ang unang pagka­rating ko sa nasabing mall. Bago pa iyon noon. Nang nasa parking kami sabi ni Paolo ay kakain muna kami bago manood ng sine. Okey lang daw ba sa akin. Tumango ako. Wala namang masama na manood ng sine. Karaniwan na lamang na manood ng sine ang magsiyota.

“Nang matapos kaming kumain, nanoood kami ng sine. Naghalikan kami sa loob. Paubaya ako dahil iyon lamang ang unang pagkakataon  na nagka­sama kami at nasa isang madilim na lugar pa. Mainit na mainit ang paghahalikan namin. Palibhasa’y nasa kainitan ang aming dugo. Mahal na mahal ko si Paolo. Inaamin ko na nadarang kami sa aming ginawa.

“Nang matapos ang sine, nagyaya nang umalis si Paolo. Akala ko uuwi na kami. Paglabas ng mall sa dakong EDSA niya dinala ang kotse. Tuluy-tuloy hanggang kabigin niya sa isang makipot na kalye at namalayan ko na lamang na nasa hanay na kami ng mga motel sa lugar na iyon.

“Hindi na ako nakapagsalita pa. Mahal ko naman si Paolo. Pagmahal ko ang isang tao, sasama ako at kahit saan kami maka­rating hindi ako hihiwalay sa kanya.

“Nagtalik kami. Unang karanasan. Ganoon pala. Ang unang pagtikim ay kailangang masundan. Sa ikalawang pagtikim, halos palaban na.

“Hanggang sa hindi na ako magka-menstruation. Problemado na ako. Si­nabi ko kay Paolo.

“Ipakikilala raw ako sa mama niya. Nagtungo kami sa probinsiya nila sa Quezon isang araw ng Linggo. Mayaman pala talaga­ sila. Ipinakilala ako sa mommy niya. Pero halata ko, matabang sa akin ang mommy niya. Hindi ako type…”

(Itutuloy)

 

AKO

GANOON

HANGGANG

HINIRAM

KAMI

LINGGO

NANG

NIYA

ROXAS BLVD

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with