Alakdan (305)
“KISS! KISSS!’’
Napatingin sina Troy at Kreamy kung sino ang sumigaw na iyon. Si Pau pala!
“Kiss na Tito Troy!”
“Ikaw talaga, Pau.’’
Pero lalo pang ginatungan ni Digol.
“Oo nga naman, Pinsan, mas maganda kung iki-kiss mo si Kreamy. Sige na. Witness kami sa pagmamahalan n’yo.’’
Nagkatinginan sina Troy at Kreamy.
“Puwede, Kreamy?”
“Bahala ka, Troy.”
Iyon lang pala ang hinihintay ni Troy. Kapag may pagsang-ayon, mas madaling isagawa ang balak.
“Kisss! Kisss!” Sigaw uli Pau.
Lumapit si Troy kay Kreamy ay hinalikan ito sa pisngi sabay bulong: “I love you, Kreamy. Happy New Year.”
“I love you too, Troy.’’
Nang bigla na namang sumigaw si Pau. “Sa lips naman! Sa lips naman!”
Napatingin si Troy at Kreamy kay Pau.
“Sumosobra ka na, Pau!” Sabi ni Troy na nakatawa. Nagtawa rin si Kreamy.
“Sige kung ayaw mong i-kiss si Tita Kreamy, puwede siguro baliktarin natin. Si Tita Kreamy ang ki-kiss kay Tito Troy.’’
Tawanan sila.
“Bakit ako, Pau?”
“Para po makita namin ang lalim ng inyong pagmamahalan. Sige na po.”
“Sige na nga. Sa lips ba o pisngi?”
“Ikaw po, Tita, kung saan mo gustong halikan si Tito.’’
“Gusto ko sa pisngi lang kasi, conservative ako. Dalagang Pilipina’’
Tawanan sina Digol at Siony.
“Sige po Tita Kreamy, halikan mo na si Tito Troy.’’
Lumapit si Kreamy kay Troy.
“Pipikit ako,” sabi ni Troy.
“Mabuti pa nga pumikit ka Troy,” sabi ni Kreamy.
“Para malasap ko nang todo ano, Kreamy.’’
“Oo.”
Pumikit si Troy.
Hindi alam ni Troy may naiisip na kapilyahan si Kreamy.
“O eto na. Sisimulan ko na ang paghalik.’’
Sa halip na sa pis-ngi, sa labi hinalikan ni Kreamy si Troy. At hindi lang basta halik kundi idiniin pa ni Kreamy. Na langhap ni Troy ang napakabangong hininga ni Kreamy. Parang hininga ng kasisilang na sanggol. Ang sarap. Ang lambot ng lips ni Kreamy. Napaka-nipis. Ganun pala kasarap halikan ng isang maganda at mabait na babae. Tiyak ni Troy, siya pa lamang ang unang nahalikan ni Kreamy. Si-guradung-sigurado siya.
(Itutuloy)
- Latest
















