^

True Confessions

La Viuda (10)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

INAKYAT ni Ernesto ang puno ng mangga para makita kung anong misteryo ang nagaganap sa loob ng musuleo. Habang naghihintay, inilabas niya ang isang pack ng Black Menthol na sigarilyo ngunit natigilan siya. Ito ang paboritong brand ng kanyang yumaong kapatid na si Emilio. Biglang nag-alab ang kanyang dibdib sa inis. Si Emilio na paborito ng kanilang ina—ang perpekto, matalino, at tagapagmana ng hacienda. Pero nang tumingala si Ernesto sa madilim na kalangitan, napangiti siya. Wala na nga pala ang perpektong kapatid. Aanhin nito ang pagiging perpekto kung patay na.

Matapos magmuni-muni, napatuon ang tingin ni Ernesto sa bintana at nanlaki ang kanyang mga mata. Nakita niya si Kristina na nagpapalit ng damit. Nawala ang inis at pandidiri niya rito. Maganda at kaakit-akit ang kurbada ng katawan ni Kristina. Nadagdagan ang inggit sa kanyang dibdib: bakit kahit patay na si Emilio, sa kanya pa rin napunta ang ganitong kagandang babae?

Bago pa makaisip ng kabaliwan si Ernesto, may lumabas na anino sa sulok ng silid. Isang matangkad na lalaki ang umupo sa tabi ni Kristina at dahan-dahang hinawakan ang kamay ng dalaga. Inilapit ni Ernesto ang mukha sa bintana upang makasigurado. At nang matamaan ng liwanag ng buwan ang mukha ng lalaki, huminto ang mundo ni Ernesto. Ang tindig. Ang mukha. Ang ilong. “Emilio?” bulong ni Ernesto.

Sa sobrang gulat at takot, nawalan siya ng balanse sa pagkakaupo sa sanga ng manga. Bumagsak siya sa halamanan. Hindi kaya nagpapapasok ng mga lalaki si Kristina tuwing gabi. Pero alam niyang nakakandado ang musuleo at hindi niya maipagkakaila na mukha ni Emilio ang nakita. Naisip niya na baka nagpapanggap lang na patay si Emilio. Tutuklasin niya ang lihim na ito. Gagamitin niya ito upang makuha si Kristina sa “patay” na kapatid.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with