^

True Confessions

Alakdan (245)

Pilipino Star Ngayon

“IYAK ako nang iyak. Pakiramdam ko masisiraan  ako ng ulo dahil sa nangyari. Isipin mo naman, ilang araw pa lang naipanganganak ang anak ko, e nawalay na sa akin,” patuloy na pagkukuwento ni Siony kay Troy.

“Hindi mo nireport sa pulis?’’

‘‘Gusto ko na ngang ireport sa pulis pero naisip ko, maaaring mapabalita sa diyaryo ang nangyari at malalaman sa amin sa San Pablo. Paano na lamang ang sasabihin ng mga kababayan ko sa San Pablo. Nahihiya rin ako sa mga kamag-anak ko. Tiyak na pagtsismisan ako na nagpabuntis lang sa Saudi. At sigurado, malalaman din nila na isang lalaking may asawa ang sinamahan ko. Kung anu-ano siguro ang sasabihin nila sa akin…Kaya ang nakaalam lang ng lahat ay ang pinsan kong matandang dalaga na dati ngang may-ari ng bahay na ito.’’

“Pero hindi n’yo na po hinanap si Mang Dolfo?’’

“Hinanap namin ng pinsan ko. Pero hindi namin malaman kung saan ba nakatira si Dolfo. Kasi, nang magkakilala kami sa Saudi ay patago lang. Alam mo naman sa Saudi, bawal magkaroon ng relasyon ang lalaki at babae na may asawa na.’’

“E paano nga po pala kayo nagkakilala ni Mang Dolfo.’’

“Medyo mahabang istorya. Saka ko na lang ikukuwento ang tungkol dun. Eto munang pagha-hanap namin kay Kreamy ang itutuloy ko. Lahat nang inaakala naming lugar na maaaring puntahan ni Dolfo ay pinuntahan namin. Maski sa mga simbahan, nagpunta kami. Kasi naisip ko, maaaring pabinyagan si Kreamy. Pero wala. Pati sa mga pedia clinic, nag-try kami ng pinsan ko na magtungo. Wala talaga.

“Halos ilang buwan kami na araw-araw ay nag­hahanap. At kapag umuuwi kami sa hapon na walang nangyari sa aming paghahanap, iyak ako nang iyak. Naiisip ko kung ano ang nangyayari    kay Kreamy. Siyempre kasisilang lang niya at kailangan ang init ng ina. Baka magkasakit siya. Lahat nang mga masasamang maaring mangyari kay Kreamy ay naiisip ko.

“Sinubukan kong sulatan si Dolfo sa Saudi. Kasi alam ko, bumalik na siya roon dahil one month lang vacation niya. Pero hindi siya sumagot. Maraming sulat akong pinadala pero walang sagot. Talagang binalewala na niya ako. Inanakan lang ako at pagkatapos ay kinuha ang aking anak at saka gumawa ng kuwento na ang baby na dala ay anak ng isang DH na nabuntis sa Saudi. Tiyak na ganun ang alibi niya sa asawa niya.’’

Naalala ni Troy ang sinabi ni Mayette noon ukol kay Kreamy. May dala raw sanggol ang kanyang asawang si Dolfo at inampon na nito. Anak nga raw ng isang DH sa Saudi.

“’Yan nga po ang sinabi ng asawa ni Mang Dolfo na si Mayette. Anak nga po ng DH ang sanggol.’’

“Sabi ko na nga ba at ganoon ang kakathain niyang kuwento.’’

“Inamin naman po ni Mayette na baog siya at hindi kailanman magkakaanak.’’

“Kaya ang anak ko ang tinangay ng asawa niya para magkaroon sila ng anak. At sa dakong huli pinagmalupitan lang niya. Inapi niya ang anak ko. Mabuti pa hindi na lang niya tinanggap…’’

“Nabisto rin po kasi ni Mayette na anak ni Mang Dolfo ang inampong bata...’’

Nakita ni Troy na umagos ang luha ni Siony.

(Itutuloy)

ANAK

DOLFO

KREAMY

LANG

MANG DOLFO

MAYETTE

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with