^

True Confessions

Alakdan(232)

Pilipino Star Ngayon

Sumakay sa bus sina Troy at Digol. Marami pang upuan. Bago pa lamang nagdada-tingan ang mga pasahero.

“Ngayon pa lang ako makakarating sa San Pablo, Digol.’’

“Ako rin, Pinsan.’’

“Hindi naman siguro tayo maliligaw. Sundin lang natin ang nakasaad sa sulat.”

“Dala mo ba ang sulat, Pinsan?”

“Oo.’’

“Saan daw tayo bababa?”

“Itanong na lang natin sa konduktor. Basta sa San Pablo tayo bababa.’’

Umusad na ang bus makaraan ang 15 minuto. Tinahak ang South Luzon Expressway (SLEX). Walang trapik. Dere-deretso ang bus.

Nag-uusap sina Troy at Digol habang nag­lalakbay ang bus.

“Paano kung wala pala sa San Pablo ang hinahanap natin, Digol?”

“E di mag­hanap pa tayo. Pero imposible na walang nalalaman ang makakausap natin sa San Pablo. Kahit pa-     ­ano may maibibigay na impormasyon sa atin. Positive thinking lang, Pinsan.’’

“Kasi nga naisip ko, matagal na ang nabasa nating sulat at marami na ang nangyari. Baka hindi na sa San Pablo nakatira si Siony. At nagkita na ba silang mag-ina? Anong malay natin, hindi pa alam ni Siony na namatay na pala si Mang Dolfo.’’

Napatangu-tango na lang si Digol.

“At saka anong malay natin kung nagbalik sa Saudi Arabia si Siony. Di ba sabi ng mga amo ni Siony ay tatanggapin uli siya kung babalik?’’

“Oo.’’

“Nakaka-excite kung paano nagkita ang mag-ina ano?”

“Iyan din ang naiisip ko, Pinsan. Siguro maraming luha ang umagos nang magkita sina Kreamy at ina nitong si Siony.’’

“Palagay ko nga Digol.’’

Nang maningil nang pamasahe ang konduktor, tinanong ni Troy kung saan sila bababa sa San Pablo. Ituturo raw ng konduktor. Mga isang oras at kalahati raw ay nasa San Pablo na sila.

Eksakto ngang isang oras at kalahati ay nasa San Pablo na sila. Sa highway bumaba ang dalawa. Sumakay ng traysikel at nagpahatid sa may simbahan. Pagdating sa may simbahan, hinanap nila ang paradahan ng mga dyip­ni na biyaheng Nagcarlan-Liliw. Nakita nila. Sumakay sila. Ilang minuto lang ay napuno ang dyipni at umalis na.

Habang tumatakbo, nakatingin sa labas ng dyipni si Troy. Tinitingnan niya ang dinadaanan at baka mapalampas sila. Sa sulat ay bumaba raw sa tapat ng school.

Nang makita ang school, pumara sila. Bumaba at nag­lakad sa kalsada. Pawang mga lansones ang nakatanim sa gilid ng kalsada. Patuloy silang naglakad. (Itutuloy)

DIGOL

MANG DOLFO

NANG

PABLO

PINSAN

SAN

SAN PABLO

SIONY

SUMAKAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with