Alakdan (166)

NAKASULAT sa diary ang araw at oras na hiniya ni Mayette si Kreamy sa harap ng mga kaklase. Dahil sa pagkapahiya, hindi raw pumasok si Kreamy ng ilang araw. Hindi rin daw siya kumain.

Naalala ni Troy, ikinuwento na iyon sa kanya ni Kreamy.

Nabasa rin ni Troy sa diary ang pagdating ng isang lalaki sa kanilang bahay. Lihim daw siyang nakasilip sa pinto. Nag-uusap daw ang lalaki at ang mama niya na si Mayette.

Sumunod na araw, dumating uli ang lalaki na nalaman niyang Digol ang pangalan. Nag-uusap sa salas ang dalawa. Nakasilip daw si Kreamy sa naka­awang na pinto ng kuwarto.

Nagpatuloy pa sa pagbabasa ng diary si Troy. Isa sa nakagimbal sa kanya ay ang nabasa.

Dumating daw si Kreamy sa bahay nang mas maaga kaysa takdang oras ng pagdating. Nagtaka siya kung bakit hindi naka-lock ang pinto. Naiwan marahil ng mama niya. Pumasok siya. Nang mayroon daw siyang mapansin na kakaibang ingay sa bakanteng kuwarto na malapit sa kusina.

Sinilip daw niya. At ganoon na lamang ang pagkagulat niya sapagkat hubu’t hubad ang kanyang mama at si Digol. Nagtatalik.

Nakasulat pa sa diary ni Kreamy na hindi raw niya nakaya ang kalaswaang ginagawa ng dalawa.

Sa mga sumunod na nakasulat sa diary, nabasa ni Troy ang madalas na pagtungo ng mama niya sa bahay na tinutuluyan ni Digol. Nakasulat sa diary: “Nakita ko si Mama na nagmamadali sa pagtungo sa bahay sa tapat at babalik siya pagkaraan ng may dalawang oras…”

Napailing-iling si Troy. Marami pang nakasulat sa diary.

(Itutuloy)

Show comments