NANGHIHINAYANG si Troy kung bakit hindi pa niya kinuha ang diary ni Kreamy noong madiskubre niya ang kuwarto nito. Marami na sana siyang nalaman ukol sa mga nangyari kay Kreamy. Baka may makuha siyang inpormasyon doon kung nasaan si Kreamy.
Gayunman, hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Troy na makikita ang susi ng kuwarto. Hahanapin niya ang susi kung saan itinago ni Mama Mayette. Maaaring nasa kuwarto nito. Hahanap siya ng tiyempo at kapag nakalingat si Mama Mayette, hahalughugin niya ang lahat nang maaaring pagtaguan ng susi.
Bumalik siya sa kuwarto ni Mama Mayette. Kahit madilim, naaaninaw niyang tulug na tulog ang matrona. Masyado kasing napagod sa pagtatalik nila kanina. Walang pagkasawa si Mama Mayette.
Naghubad siya ng t-shirt at nag-brief. Nahiga. Hindi siya gaanong dumikit sa nakatalikod na si Mayette. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng silid. Pinag-aaralan kung saan maaaring inilalagay ni Mama Mayette ang mga susi. Sinulyapan niya ang cabinet ng damit. Maaring naroon at nakasabit ang mga susi sa likod ng pinto. Nakita niya ang filing cabinet sa sulok. Posibleng naroon ang susi. Nakita rin niya ang tokador sa may malapit sa aircon. May cabinet ang tokador at maaaring naroon ang susi. Sa kaliwang bahagi ay nakita niya ang kinapapatungan ng retrato ni Mama Mayette na antigong table na gawa sa narra. May drawer ang table. Puwedeng naroon ang susi.
Bumaling si Troy sa natutulog na si Mama Mayette. Walang kakilus-kilos ang matrona. Nakabalot ng kumot. Sinalat niya ang matambok na puwit. Hindi kumilos. Mahim-bing talaga. Sinalat niya ang hita at hinimas. Hindi gumalaw.
Maingat na bumangon si Troy at tinungo ang ca-binet. Kailangang madiskubre niya kung nasaan ang susi. Hindi na niya patatagalin pa.
Dahan-dahan niyang hinila ang drawer ng cabinet. Halos hindi siya humihinga habang hinihila ang drawer…
(Itutuloy)