BUMILI ng diyaryo ki-nabukasan si Troy. Binuklat at hinanap ang classified ads. Nakita. May nangangailangan ng checker sa isang establishment. Kaya niya iyon. May nakita pang nangangailangan ng bagger sa isang grocery.
Pinuntahan agad niya makaraang gumawa ng resume. Ang isang problema niya ay baka hi-ngin ang certification ng dating pinagtrabahuhan. Bahala na.
Sa unang pinunta-han niyang establishment na nangangailangan ng checker ay tinanggap ang application niya. Binasa. Makaraang basahin ay sinabihan siyang tatawagan na lamang.
“Inilagay mo naman ang number mo di ba?”
“Opo. Cell phone po.”
“Landline ba wala ka?”
“Wala po.”
“Sige tawagan ka na lang sa CP.”
Umalis siya. Baka may pag-asa.
Sunod niyang pinuntahan ang isang grocery na nangangaila-ngan ng bagger.
“Wala nang bakante e.”
“Nasa diyaryo na-ngangailangan daw kayo.”
“Wala na e.”
Umalis siya at sinubukang puntahan ang isa pang grocery na nangangailangan ng bagger din at checker. Tinanggap ang resume niya.
“Tatawagan ka na lang namin.”
Umuwi na siya. Walang kaseguruhan ang naging lakad niya. Binilang niya ang kanyang pera. Kailangan bago maubos ang pera niya, dapat nakakita na siya kahit anong trabaho.
Bukas, maghahanap uli siya. Hindi siya titigil. (Itutuloy)