^

True Confessions

Alakdan (77)

- Ronnie M. Halos -

NAPAILING-ILING si Troy habang nakatitig sa kanyang Inay. Luhaan siya. Napakaikli naman ng buhay ng kanyang ama at ina. Ni hindi man lamang niya napalasap ng magandang buhay. Marami sana siyang pa­ngarap para sa mga magulang pero pinutol iyon ng kamatayan. Ganun kabilis ang mga pangyayari. Iglap lang at nag-iisa na siya.

Natatandaan niya nang araw na lumuwas siya ng Maynila. Binasag pa ng kanyang Inay ang alkansiya at ipinabaon sa kanya. Lagi raw siyang mag-ingat kapag nasa Maynila. Alam niyang nag-aalala ang kanyang ina sa pagluwas niyang iyon pero hindi nagpahalata sa kanya. Isa pa sa sinabi ng kanyang ina ay pilitin niyang maka­tapos ng kolehiyo. Noon pa sinasabi ng kanyang Inay na kawawa ang taong walang natapos. Nangako siya rito na magtatapos ng kolehiyo.

Ngayon sa pagkakatitig sa kanyang Inay, naibulong niya sa sarili na tutuparin ang pangako rito. Sisikapin niyang makatapos sa pag-aaral. Hindi siya titigil hangga’t hindi nakakatapos.

“Kuya Troy, kailangan nang alisin sa pasilyo ang bangkay ni Tiyo Juanito. Kailangan daw may kausap na tayong punerarya,” sabi ng pinsan niyang si Maricel.

Natauhan si Troy.

“Aalis ako at kakausa­pin ang punerarya. Banta­yan mo muna sina Itay at Inay. Babalik agad ako.’’

“Oo Kuya Troy.”

(Itutuloy)

AALIS

ALAM

BABALIK

BANTA

INAY

KANYANG

KUYA TROY

MAYNILA

OO KUYA TROY

TIYO JUANITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with