Alakdan (53)
“PATAY na ang bubuwit, Mayette. Huwag ka nang matakot.”
“Itapon mo, Troy. Nandidiri ako sa bubuwit.’’
“Mamaya ko na lang itatapon.”
“Itapon mo na nga-yon.’’
Sumunod si Troy. Itinapon ang bubuwit sa labas.
“Naitapon ko na.’’
“Sigurado kayang wala nang babagsak na bubuwit, Troy?’’
“Wala na. Puwede ka na uling maligo, Ma-yette.’’
“Hindi ko isasara ang pinto, Troy.’’
“Sige kung yun ang gusto mo.’’
“Bantayan mo nga ako Troy. Sige na, baka kasi may bumagsak na bubuwit.”
“Wala nang bubuwit na babagsak.’’
“Basta Troy, bantayan mo ako. Dito ka lang sa may pinto…’’
Hindi na sumagot pa si Lab. Baka nga natatakot si Mayette sa bubuwit. Pero malakas ang kutob niya na mayroong iniisip ni Mayette.
Pumasok si Mayette sa banyo. Nang nasa loob na ay tinawag si Troy.
“Troy, tingnan mo ito.”’
Nang tumingin si Troy, inalis ni Mayette ang pagkakabuhol ng tuwalya na nakakober sa katawan nito. Nang maalis ang buhol, biglang nalaglag sa paanan ni Mayette ang tuwalya.
Nakita ni Troy ang hubad na kabuuan ni Ma-yette. Malusog ang mga suso. Tila may pugad ng uwak sa pagitan ng mga hita. May korte pa naman ang katawan ng matrona pero halatang patungo na sa katandaan. Hindi mataba si Mayette at hindi halatang may-edad na.
Biglang binawi ni Troy ang pagkakatingin sa kabuuan ni Mayette.
“Masama bang katawan ko, Troy?’’
Hindi sumagot si Troy. Nanatiling nakatayo at nakatingin lang sa kawalan.
“Sagutin mo ako. Troy masama bang katawan ko?”
“Hindi naman.’’
“O e bakit ayaw mong tumingin, Troy?”
Walang sagot.
Sa inis ni Mayette ay biglang nagtapi ng tuwalya at lumabas ng banyo.
“Hindi ko alam kung bading ka, Troy. Sayang kung bakla ka. Bakla ka ba, Troy?”
“Hindi.’’ “E bakit wala ka man lang yatang nadarama e halos kaluluwa ko na ang nakabilad at pinakikita sa yo. Gusto mo bumukaka pa ako sa harap mo?’’
“Hindi ako bakla.”
“Patunayan mong hindi ka bading! Ipakita mo Troy.”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending