^

True Confessions

Alakdan (52)

- Ronnie M. Halos -

SUMUGOD si Troy sa banyo.

“Bakit Mayette?”

“Troy! Troy!”

Biglang bumukas ang pinto at nakita niya si Mayette, hawak ang tuwalya na bahagya nang naitakip sa hubad na katawan. Halatang hinablot ang tuwalya. May itinuturo si Mayette sa loob ng inidoro.

“Troy may bubuwit! Bumagsak mula sa kisame.”

Nakita ni Troy na lu­malanguy-langoy ang bubuwit sa inidoro.

“Patayin mo, Troy! Patayin mo!”

Pero kalmado lang si Troy. Para bubuwit lang e natakot na. Wala siyang balak na patayin ang bubuwit.

“Patayin mo Troy!”

“Mamamatay din yan, Mayette. Malulunod yan.’’

Pero ayaw pumayag ni Mayette na hindi niya patayin ang bubuwit. Ang ginawa nito ay yumakap sa kanya. Nabasa ang damit niya sa pagyakap ni Mayette. Nadama niya ang malalaking suso ni Mayette nang bumundol sa likod niya. Nadama niya ang kaangkinan ni Mayette sa dakong puwitan niya.

“Sige na Troy patayin mo ang bubuwit!”

Walang nagawa si Troy kundi sundin si Mayette.

“Teka at kukuha ako ng pamalo.’’

Pero ayaw kumalas si Mayette sa pagkakayakap sa kanya. Ang mga suso ay lalo pang idinikit sa likuran niya. Parang may malaking marshmallow na nakadikit sa likuran niya. Ang kaangkinan ay lalo pang idinikit.

“Teka Mayette pa-ano ko mapapatay ang bubuwit e nakayakap ka?’’

Lumuwag ang pagkakayakap ni Mayette. Hinayaan siyang luma­bas ng banyo para ma­kahanap ng pamalo. Lumabas din si Mayette sa banyo at sumunod kay Troy. Nadampot ni Troy ang walis tambo at ang handle niyon ang pinampalo sa bubuwit. Nahagip ang bubuwit. Patay.

“O patay na ang bubuwit.’’

Pero nakatingin lamang si Mayette na para bang may kaka­ibang naiisip sa sanda-ling iyon.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT MAYETTE

BUBUWIT

MAYETTE

NADAMA

NIYA

PATAYIN

PERO

TROY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with