“TALAGA bang ma-rami ka nang pera, Tibur?’’ Tanong ni Tiya Encar.
“Sinuwerte po kasi nang ayos, Tiya Encar. Mula nang mag-Saudi ako, nakatiyempo nang mahusay na employer. Nang magtungo ako ng Australia, mas lalong sinuwerte. Ang asawa kong si Alice ang naghatid ng suwerte sa akin. At yung su-werte na yun ay gusto ko namang ibahagi sa inyo.’’
‘‘Napakabait mo Tibur.’’
‘‘Kaya huwag na kayong mamroble-ma ni Tiyo Nado dahil narito na ang solus-yon.’’
Napaiyak na naman si Tiya Encar.
‘‘Si Alice ang nagsabi sa akin na ibahagi ko ang anumang binigay sa akin ng Diyos. Huwag ko raw kalimutan ang mga taong dumamay at tumulong sa akin noon.’’
“Napakabuti ng asawa mo, Tibur. Sana isinama mo siya at ang inyong mga anak.’’
‘‘Dapat talaga kasama ko sila kaya lang nagkaroon nga ng biglaang pagbabago sa management ng kompanya na pinagtatrabahuhan niya. Siya na ang manedyer kasi. Pero sa sunod kong pagbabakasyon ay kasama na sila.’’
“Baka hindi ako makasagot kapag iningles ng asawa mo, Tibur.’’
Nagtawa si Tibur.
“Nagsasalita yun ng Tagalog. Pati ang mga anak namin kahit ipinanganak dun ay marunong mag-Tagalog. Tinuruan namin sila. Sa bahay ay nag-uusap kami sa Tagalog. Ako naman kasi, Tiya Encar ay carabao English ang alam.’’
‘‘Ay di pareho pala tayo, he-he-he.”
Nakisabat si Tiyo Nado.
“Naku e ako kahit na carabao English ay walang alam. Kaya nakakahiya na makipag-usap. Hindi ako puwede sa Australia…’’
“Huwag kayong mahihiya. Noong ako ay bagong nag-aabroad, akala ko rin hindi ko kaya, yun pala sa isip lang. Kaya ko palang makipag-usap kahit baluktot na English…”
Napansin ni Tibur na nakatitig sa kanya nang makahulugan si Tornado.
“Etong si Tornado ang palagay ko ay magdadala ng suwerte sa inyo, Tiya Encar. Kaya eto ang dapat na mapag-aral nang husto. Sigurado ako, siya ang magpapayaman sa inyo…”
(Itutuloy)