^

True Confessions

May isang pangit (6)

- Ronnie M. Halos -

ITINULOY ni Tiburcio ang pagkukuwento kina Tiya Encar at Torn. Tapos na silang kumain pero hindi umaalis sa mesa.

“Ang pangalan ng matanda na nagmagandang loob sa akin ay si Nanang Ela. Yung anak niyang babae ay mataas pala ang katungkulan sa UST. Yung manugang niya ay propesor din doon. Da-lawa ang apo ni Nanang Ela. Nang dumating kami sa bahay ng anak sa may P. Noval malapit sa España ay ipinakilala ako. Napakabait ng anak at manugang niya. Wala ba yung paghihinala na baka ako ay masamang tao. Sa kabila ng kaanyuan ko, tinanggap nila ako. Ikinuwento kasi ni Nanang Ela sa anak at manugang na wala akong tutuluyan sa Maynila at wala ring kamag-anak. Doon muna ako pinatuloy sa kanilang bahay. Malaki kasi ang bahay nila. Talagang kinupkop nila ako.

“Tinanong ako ng anak   ni Nanang Ela kung ano raw ang kaya kong traba­ho o ano ang alam kong tra­­baho. Sabi ko ay magbu­bu­­ kid ako. Marunong mag­tanim ng palay, mais, balatong, saging at kung anu-ano pang prutas at gulay. Marunong din ako sa gardening. Maru-nong din akong mag-alaga ng hayop at kung anu-ano pang mabibigat na gawain.

“Napatangu-tango ang anak ni Nanang Ela. Aba kinabukasan ay may ma­ganda na siyang balita sa akin. May trabaho na raw ako. Gardener sa UST. Ako raw ang mag-aalaga ng mga tanim, magpuputol ng mga sanga, mag-aalis ng mga damo at kung anu-ano pang may kinalaman sa mga halamang namumulaklak. Masayang-masaya ako. Kayang-kaya ko ang gawaing iyon.

“Nang nagkatrabaho ako sa UST, nangupahan ako ng maliit na kuwarto na malapit din sa bahay ng anak ni Nanang Ela. Madalas din ako sa kanila kahit na may sarili na akong tirahan. Kapag day-off ako, nasa kanila ako at ako ang nag­lilinis ng kanilang bahay.Yung dalawang anak nila na mga bata at nag-aaral sa UST ay ako naghahatid. Gusto kong tumbasan ang ginawa nilang kabutihan sa akin. Dahil sa kanila kaya nagbalik ang tiwala ko sa sarili. Nawala yung pagkaawa ko sa sarili. Hindi ko na naisip na pangit ako. Tingin ko nga, guwapo pala ako.” (Itutuloy)

AKO

ANAK

DAHIL

ELA

MARUNONG

NANANG ELA

NANG

SHY

TIYA ENCAR

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with