^

True Confessions

May Isang Pangit (2)

- Ronnie M. Halos -

“TINGIN ko nga sa’yo marami kang dollar sa bulsa at saka mabango ka na Kuya Tiburcio.”

“Noon e amoy kalabaw ako ano, Tornado?”

“Oo.”

“Basta tiyagaan lang at habaan ang pasensiya, makukuha mo ang gusto mo. Kahit sino puwedeng umasenso.”

“Kahit ako Kuya.”

“Ikaw pa e matatapos ka na nga sa pag-aaral tapos may itsura ka pa. Ako nga e hindi nakatapos ng high school at ngetpa pero tingnan mo naman ang kalagayan ko ngayon.”

“Noon natatandaan ko e lagi kang binibiro ng mga taga-rito. Yang mukha mo raw ay tagihawat na tinubuan ng mukha.”

“Oo. Kasi naman ay ayaw tumigil noon ang mga tagihawat at pinutakti ang mukha ko. Di ba kaya nga napilitan na akong tumigil sa pag-aaral ay dahil mas­yado na akong naging mahiyain.”

“Nagbabad ka na lang sa bukid noon di ba?”

“Oo. Hindi na ako lumabas sa bayan. Masyado na akong naawa sa aking sarili. Para bang wala na akong karapatan sa mundo ang katulad kong pangit.”

“Naaawa nga ako sa’yo Kuya Tiburcio. At lalo kang naging kawawa nang magkasunod na namatay ang mga magulang mo sina Tiya Oyang at Tiyo Juanito. Ulilang lubos ka na.”

“Ang hirap ng naranasan ko. Wala na akong kakampi mula nang mamatay sina Itay at Inay. Sabi nga ng inay mo --- ni Tiya Encar na dito na lang daw ako sa inyo tumira. Iyon din ang sabi ni Tiyo Iluminado pero tumanggi ako. Sabi ko, doon na lang ako sa bukid dahil mas matatahimik ang buhay ko. Mas magandang kausapin ang kalabaw at ibon sa bukid.”

“Hindi na nga kita nakita mula noong maglagi ka sa bukid. Parang inilayo mo ang sarili mo.”

“Oo. Talagang nag-ala ermitanyo ako sa bukid. Lalo akong pumangit nang pahabain ko ang aking buhok. Ang pangit pala kung ang isang pangit ay nagpahaba ng buhok. Parang pang-halloween ang mukha, he-he-he!”

“Hindi ka nakaisip manligaw Kuya?”

“Siyempre, lalaki ako, nag-try akong ligawan yung babaing nasa kabilang Ilog ng Pola. Pero grabe lang naranasan kong kabiguan sa babaing yun. Ayaw ko na ngang alalahanin pa ang nangyari noon…”

Hanggang sa maka­rinig ng ingay sa labas ng bahay sina Torn at Tiburcio.

“Si Inay na siguro yan. Teka at titingnan ko Kuya.”

“Sige Tornado.”

Ang inay nga ni Torn ang dumating. Hindi ito makapaniwala nang ma­kita si Tiburcio.

“Ikaw nga ba Tibur?”

“Oo, Tiya Encar. Ako nga ang pangit mong pa­mangkin.”

Lumapit si Tiburcio sa tiyahin at mahigpit na niyakap. Sa tagal na hindi pagkikita ay nasabik sila sa isa’t isa.

(Itutuloy)

AKO

AKONG

KUYA

KUYA TIBURCIO

OO

TIBURCIO

TIYA ENCAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with