^

True Confessions

Thelma (172)

- Ronnie M. Halos -

‘KUNG anu-ano ang naiisip ko Thelma. Naiisip ko, nang magtalik tayo nang madaling araw na iyon na wala ang kaibigan kong si Delmo, fertile na fertile ka. Isang bugahan lang tiyak na buntis ka. At alam mo ang napansin ko sa iyo noon, masyado kang hot. Pero sadya namang hot ka di ba? Siguro nga’y mas­yado kang nasabik dahil sabi mo nga ay hindi ka nasisiyahan sa ginagawa ni Delmo. Sabi mo, walang ibang naiisip si Delmo kundi ang sarili niya. Basta maisaksak at maligaya-han ang sarili ay ayos na siya. Di ba, Thelma yun ang sabi mo?”

Napatango si Thelma. Bumabalik na naman sila sa dating usapan. S­iguro nga’y hindi maaaring hindi balikan ang nakaraan. Laging masasagi ang nangyari sa kanila. At ngayon nga, nagkakaroon na ng hinala si Trevor na anak niya si Trev. Na ang kanilang pagtatalik noon ay nagbunga.

“Hindi kaya anak ko si Trev, Thelma? Kasi’y ha­ bang dumadaan ang panahon, ay lumalakas nang lumalakas ang kutob ko na may naging bunga ang pagtataksil natin noon. Lagi kong naiisip na noong nangyari ang ating pagta-talik ay nabuo si Trev…

Nasusukol na si Thelma. Gusto na niyang sabihin ang lahat. Pero paano?

“Sabagay baka naman nagkakamali lang ako. Baka naman dahil sa masyado kaming closed ni Trev kaya inaangkin ko nang anak siya. At saka, kapag daw closed kayong masyado ay nagiging magkamukha na. Pero alam mo, minsan sa klase namin noong nagtuturo pa ako, may isang ka-klase si Trev na nagtanong kung magkaanu-ano kami. Magkamukha raw kasi kami. Para raw anak ko si Trev. Nagtawa lang ako at sinabing wala kaming relasyon. Nagkataon lang na magkapangalan kami. Mula noon ay lagi kong pinagmamasdan si Trev. Magkamukha nga ba kami? Hindi ako makumbinsi. Pero nang ipanganak mo si Rovert na kamukha ni Trev, naalarma na ako. Nabuhay na naman ang kutob na si Trevor ay baka anak ko. Baka nabuo noong magtalik tayo…”

Suko na si Thelma. Panahon na para ipagtapat ang katotohanan.

“Totoo, Trevor.”

“Anong totoo?”

“Anak mo nga si Trev.”

Nagtawa si Trevor.

“O bakit nagtatawa ka? Ngayong sinasabi ko na ang totoo, e saka naman ayaw mong maniwala.”

Hindi kumukurap si Trevor. Seryoso ang muk­ha.

“Anak ko talaga si Trev, Thelma?”

“Oo. Baog si Delmo. Si­nabi niya sa akin na nagkasakit siya noong binatil­yo siya. At alam mo, palagay ko, sadya niya tayong iniwan ng madaling araw na iyon para makapagtalik at makabuo…”

Hindi makapagsalita si Trevor sa nalaman kay Thelma.

(Tatapusin na bukas)

vuukle comment

ANAK

DELMO

MAGKAMUKHA

PERO

THELMA

TREV

TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with