“MASAYA ka na Trev?” Tanong ni Trevor habang yakap si Thelma.
“Hindi lang masaya kundi maligaya, Papa.”
“Bilib na talaga ako sa’yo. Akalain mong napa-oo mo ang iyong mama. Kung ako lang siguro ay baka matagalan pa bago ako sagutin nito.”
“Malakas kasi ang kutob ko na may gusto rin sa’yo si Mama. Kasi nakikita ko sa mga mata niya na masaya kapag dumarating tayo galing Maynila.”
“Talaga? E bakit nagpapakipot pa?”
“Hindi ko nga alam. Siguro e dahil sa ayaw na masabing mabilis na ligawan.”
Tinampal ni Thelma ang anak.
“Hoy hindi ha.”
“Nagpapakipot ka Mama. Nakikita ko sa kilos mo.”
Namula ang pisngi ni Thelma. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng anak. Matalino nga.
“Natatakot nga ako dahil dalawang beses na akong namamatayan ng asawa. Iyon lang ang dahilan kaya hindi ko masagot si Sir Trevor mo, este si Papa mo.”
“Pero ngayon ay wala na akong mahihiling pa, ‘Ma. Tapos na ang obligasyon ko na paglapitin kayong dalawa kaya, maligaya na ako.”
“Paano kaya kung wala ka, Trev?” Tanong ni Tre-vor at inakbayan.
“Kung wala ako, siguro hindi rin kayo magkaka-kilala ni Mama.”
Nag-isip si Trevor. Oo nga. Kung wala si Trev, imposibleang magkakila- la sila ni Thelma. Napaka-simple.
“O iiwan ko muna kayong dalawa para makapag-usap at makapagplano.”
Tinapik ni Trevor sa balikat si Trev. Umalis na ito.
Naiwan sina Trevor at Thelma.
“Tagumpay ang plano ko, Thelma!”
Napaiyak naman si Thelma. Natutuwa siya at natatakot din. Ipagtapat kaya niya kay Trevor na si Trev ay anak nila? Na ito ang bunga ng kanilang pagtatalik isang mada-ling araw habang wala si Delmo at namamasada ng traysikel. (Itutuloy)