^

True Confessions

Thelma (99)

- Ronnie M. Halos -

“KUNG darating ang kapatid mo rito, ayaw ko siyang makaharap. Baka hindi ko makaya ang sari­li ko at kung ano ang magawa sa kanya,” sabi ni Thelma kay Ara. “Kung pupunta siya rito, ikaw na ang bahala, Ara.”

“Oo, Thelma. Ako na ang bahala. Huwag mo nang problemahin yun.”

Pero nakalipas na ang isang araw ay hindi pa nagpapakita si Judith sa kinabuburulan ng ama.

“Baka mailibing si Papa ay hindi na magpakita ang babaing iyon,” sabi ni Ara. “Baka natatakot magpunta rito dahil alam niyang siya ang may kagagawan ng pagkamatay ni Papa.

Walang kibo si Thelma. Mas gusto nga niya na huwag nang magpakita si Judith. Para maiwasan na ang posibleng enkuwentro nila. Dalangin ni Thelma na huwag nang magtungo si Judith.

“Hindi ko na kasi siya tinawagan Thelma para sabihin ang nangyari. Napupuno na ako, Thelma. Masyado nang marami siyang ginawang pasakit sa mga magulang namin. Bahala siya kung pumunta o hindi rito.”

Walang kibo si Thelma.

Pero kinabukasan, nang hindi pa sumisipot si Judith ay nag-utos si Ara sa isang kamag-anak para puntahan si Judith sa bahay nito.

“Puntahan mo si Tita Judith mo at ibalita ang nangyari kay Papa.”

“Opo.”

Makalipas ang isang oras ay dumating ang kamag-anak na inutusan.

“Wala pong tao sa bahay nila, Tita Ara.”

“Hindi mo itinanong sa kapitbahay kung nasaan si Tita Judith mo?”

“Sabi po ng kapitbahay ay umalis daw kagabi. Silang mag-anak daw po ang umalis. Hindi po alam kung saan patungo. Wala naman daw sinabi. Para raw nagmamadali.”

Napabuntunghininga si Ara. Ano kayang isip meron ang kapatid niya? Patay ang kanilang papa pero ang kanyang kapatid ay ayaw magpakita.

Isang araw bago ang libing ni Caloy, isang pas­ya ang ginawa ni Ara. Tatawagan na niya sa cell phone si Judith. Kaila-ngang makausap na niya ito. Siya ang problemado sa hindi pagsipot ng ka-patid. (Itutuloy)

ARA

JUDITH

PERO

THELMA

TITA ARA

TITA JUDITH

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with