^

True Confessions

Thelma (88)

- Ronnie M. Halos -

NARIRINIG ng mga ta-ong nasa paligid nila ang sinasabi ni Judith. Mara-ming tao sa banko ng oras na iyon. Ang ilan ay napa­tingin kay Judith. Hiyang-hiya si Thelma.

“Ano Thelma, balato naman diyan. Sinuwerte ka dahil kay Papa. Kung hindi dahil kay Papa hindi ka magkakapera ng ganyan. Patingin nga kung gaano karami ang idedeposito mo?”

Gustong manliit ni Thel­ma. Talagang makapal ang mukha ni Judith. Hindi marunong mahiya.

“O baka naman kung kanino mo lang pinami­migay ‘yan. Siyempre, ma­tanda na si Papa. Malay ko kung mayroon kang sinusustentuhan…”

Nagpanting na si Thelma. Hindi na niya kayang palampasin. Nawala na siya sa wisyo. Hindi na niya naalala ang payo ni Ara na huwag pansinin ang anumang gagawin ni Judith.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Tayo ba naman ay mag­­ lolokohan pa? Siyempre baka naghahanap ka ng ibang lalaki. Malay ko kung nagsasawa ka na sa matanda at gusto mo ay bata. Ano bang hinahanap ng babaing ang kasama ay tuyot na?”

Sapat na iyon para sampalin ni Thelma si Judith. Sa lakas ng sampal ay napaatras si Judith. Tulig! Matagal bago nakabawi.

Nagsisigaw.

“Guard! Guard! Sinampal ako! Sinampal ako!”

Pero hindi natakot si Thelma. Ngayong ang pagkatao na ang nakasalalay, kahit saan sila makarating ay hindi siya nasisindak. Ang nananaig sa kanya ay ang matinding galit kay Judith. Umapaw na ang salop kaya dapat nang kalusin. Hindi na niya kaya ang ginagawa ng babaing ito. At sasampalin uli niya ito kapag nilait-lait siya.

“Guard, tulungan mo ako!”

Lumapit ang guwardiya kay Judith.

“Sinampal ako ng babaing iyan! Sinampal ako! Sinampal ako!” Nagwa-wala na si Judith.

“Mam, huwag kang sumigaw,” sabi ng guard.

“Paanong hindi ako sisigaw ay sinampal ako.”

Nasa ganoong sitwas­yon nang lumapit ang ma­nedyer ng banko. Ito ang namagitan. Nabubulabog na ang mga depositors.

“Mam, dito po tayo sa loob. Mag-uusap po tayo,” sabi ng lalaking manager.

“Hindi! Ipaaresto mo ang babaing iyan. Sinampal niya ako!”

Nilapitan si Thelma ng manager. Niyaya siya sa opisina nito. Ipinagtapat niya rito ang lahat.

“Baka puwede mong tawagan ang iyong mister, Mam Thelma. Siya lang ang palagay ko’y puwedeng makipag-usap sa kanyang anak. Problema sa pamilya pala ito.”

“Maysakit sa puso ang mister ko. Baka kung mapaano siya kapag ki­nausap yang anak niyang suwail.”

Problemado ang ma-nager ng banko. Pati sila nadamay sa ginawa ni Judith at Thelma.

(Itutuloy)

AKO

ANO THELMA

JUDITH

MAM THELMA

SHY

SINAMPAL

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with