^

True Confessions

Thelma(72)

- Ronnie M. Halos -

HINDI inilihim ni Thelma sa pinsang si Marie ang pagkakaroon nila ng re-lasyon ni Mang Caloy. Si Marie ay may malubhang sakit pero nang marinig ang pagtatapat ni Thelma ay bahagyang sumigla    at nagpakita ng suporta sa pinsan.

“Palagay ko dapat ka ngang humanap ng makakatulong sa pagpapalaki kay Trev. Kaysa naman sa ibang lalaki lang na walang trabaho ka mapunta e mabuti na sa taong sigurado ang kabuhayan.”

“Iyan din ang naisip ko Ate Marie. Matagal ko ring pinag-isipan ito. At sa bandang huli, naipasya kong tanggapin na ang pag-ibig niya.”

“Pero mahal mo ba talaga siya?”

“Maaari namang turuan ang sarili ko na mahalin siya. At palagay ko, hindi mahirap mahalin si Caloy dahil nakita ko kung gaano niya kamahal si Trev. Niligtas pa niya si Trev sa nag-amok na lalaki. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, Ate Marie.”

“Tama ang ginawa mo, Thelma. Walang masama sa ginawa mo.”

“Salamat sa payo, Ate Marie.”

“Ang ingatan mo lamang ay ang mga anak ni Caloy. Kadalasang ang problema ng mga biyudo at biyudang nagkagustuhan ay ang kanilang mga anak. Mag-ingat ka sa mga anak ni Caloy,’’ sabi ni Marie na humahangos sa pagsasalita.

Nagtaka naman si Thelma kung paano nahulaan ni Marie na may problema siyang kinakaharap sa anak ni Caloy.

“May isang anak si Caloy na pakiramdam ko e magiging tinik sa akin, Ate Marie.”

“Mag-ingat ka, Thelma. Mahirap na kalaban ang anak. Kapag may nangyari kay Caloy, baka sa bandang huli ay palayasin ka ng anak niya. Magiging kawawa kayo ni Trev. Huwag naman sana.”

Kinabahan si Thelma. Parang may katotohanan ang sinasabi ni Marie. Parang nakikita nito ang mangyayari sa hinaharap.

(Itutuloy)

ANAK

ATE MARIE

CALOY

MANG CALOY

MARIE

SI MARIE

THELMA

TREV

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with