^

True Confessions

Thelma (52)

- Ronnie M. Halos -

PERO buo na ang pas­ya ni Thelma na kumprontahin si Mang Caloy. Hindi na niya mapapalampas ang ginagawa ng matanda.

“Alam ko na ang mga ginagawa mo sa akin, Mang Caloy. Tiwala pa naman ako sa’yo pero masama pala ang ginagawa mo sa akin. Akala ko pa naman ay napa-kabait mo, yun pala ay bantay-salakay ka. Nakita mo na pala ang kaluluwa ko. May kapalit pala ang mga binibigay mo sa akin. Binastos mo ako Mang Caloy!”

Hindi makasagot ang matanda. Nanatiling nakatingin kay Thelma.

“Kahapon nang ma­ bisto ko ang butas sa pader, kilabot na kilabot ako. Wala akong kamalay-malay na pinapanood mo. Ang akala ko pa naman ay safe na safe ako rito, yun pala ay may asong ulol na nagmamasid sa akin. Naisip ko hindi na pala ako dapat magtagal dito at baka mas matindi pa ang mangyari sa akin. Hindi na baleng masilipan at matatanggap ko pero paano kung iba na ang gawin mo sa akin. Baka mamamalayan ko na lamang na wasak na ang “ari” ko…

Hanggang ngayon na lamang ako dito sa tindahan mo Mang Caloy. Hindi ko na ha­hayaan pang may ma­ samang mangyari. Ganunman kahit na napagsawaan mo nang bosohan ang katawan ko at ari ko, salamat na rin sa lahat at nakapagtrabaho rito…”

Noon nagsalita ang tila takot na takot na si Mang Caloy. Maamong tupa na humingi ng tawad. Hiniling na huwag umalis si Thelma.

“Huwag kang umalis Thelma. Parang awa mo na. Kaya ko lamang nagawa iyon ay dahil may sakit ako. Ewan ko kung bakit gustong-gusto kong manilip at ma-ngolekta ng panty… sana ay maunawaan mo ako, Thelma…

(Itutuloy)

vuukle comment

AKIN

AKO

ALAM

BINASTOS

CALOY

EWAN

GANUNMAN

HANGGANG

MANG CALOY

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with