^

True Confessions

Thelma (6)

- Ronnie M. Halos -

WALANG gaanong na­magitang salitaan sa kanilang dalawa ni Trevor Buenviaje. Matapos ang di-malilimutang pagtatalik ay mabilis na bumangon ang manunulat. Nagbihis. Kinuha ang mga gamit at nagpaalam kay Thelma. Ramdam ni Thelma na natitigatig din ang loob ni Trevor sa nangyari at ayaw na niyang maratnan pa ni Delmo. Kailangan bago dumating si Delmo ay nakaalis na siya. Noon ay bago pa lamang sumusungaw ang mapulang araw sa silangan. Sa pagmamadali nga ni Trevor ay naiwanan ang keychain. Itinago nga niya iyon at hindi ipinaalam kay Delmo.

Nang dumating si Delmo ay nakasungaw na ang araw. May dala itong pagkain --- pansit bihon at alsang puto. Tinanong nito kung nasaan si Tre­vor Buenviaje. Sagot naman niya ay umalis na. Madilim pa nang umalis. Nanghinayang si Delmo. Bakit daw hindi­ pinigilan ni Thelma. Sana raw ay nakapag-almusal muna ito. Pero ipinagpilitan ni Thelma na nagmamadali si Trevor. Pinuri pa ni Delmo si Trevor na napakabait. Sana raw ay nakuha niya ang address ni Trevor sa Maynila. Malay daw niya baka kailanganin niya ang tulong ni Trevor pagdating ng araw.

Hindi naman nagsalita o nagbigay pa ng komento si Thelma. Sumang-ayon na lamang siya sa sinabi ni Delmo. Iyon ang pinaka-magandang dapat niyang gawin para hindi mahalata ni Delmo na may nangyari sa kanila ng manunulat. Ingat na ingat si Thelma na mabuking ni Delmo ang nangyaring pakikipagtalik kay Trevor.

Isa pang paraan para hindi maghinala si Delmo, inaantig niya ito nang todo. May pagkakataon na si Thelma pa ang nagyayaya kay Delmo na magtalik sila. Iyon ay sa kabila na alam ni Thelma na wala namang nangyayari sa ginagawang “pag-aararo at pagtatanim” ni Delmo sa kanyang mayamang lupain. Wala siyang maramdaman na may lakas ang katas na idinidilig sa kanya. Hindi katulad ng ipinunla ni Tre­vor Buenviaje na maliksing naglakbay sa kanyang sinapupunan.

Makalipas ang dala­wang buwan, nakaramdam ng pagbaliktad ng sikmura si Thelma. Tatakbo siya sa lababo at saka duduwal. Saka ay bigla niyang na­isip na may pumipintig na sa kanyang sinapupunan. Nagbunga ang pagniniig nila ng manunulat na si Trevor!

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

BUENVIAJE

DELMO

IYON

SANA

THELMA

TRE

TREVOR

TREVOR BUENVIAJE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with