^

True Confessions

Thelma (4)

- Ronnie M. Halos -

AYAW iwanan si Thelma ng pinsan niyang si Marie nang makarating sa bahay. Pero sinabi ni Thelma na kaya niyang mag-isa. Huwag daw mag-alala si Marie.

“Sige na Ate Marie, ta­ tawagin na lang kita ka-pag may kailangan ako. Makakapag-isa ako rito.”

“Sige Thelma, malapit lang naman ang bahay ko rito. Baka kasi bigla kang manganak e wala akong kaalam-alam.”

“Salamat Ate Marie sa pagdamay mo.”

Umalis na si Marie.

Nang makaalis si Ma-rie ay lambot na lambot si Thelma na naupo sa silya, Hinihimas niya ang tiyan. Hindi magtatagal at lalabas na ang anak niya. Magkakaroon na siya ng kasama at hindi na malulungkot. Naisip ni Thelma na talagang mara-ming hindi maipaliwanag              na nangyayari sa buhay. May umaalis at may dumara-ting. Gaya nang pag-alis ni Delmo na hindi aakalain. Sino ang mag-aakalang ang malakas at matikas na si Delmo ay iglap na nawala. At ngayon naman, ay nakatakdang dumating   ang anak na nasa sinapupunan. Umalis si Delmo pero may pumalit. Ganun yata talaga ang buhay.

Sa pagkakaupo, naalala muli niya ang masasayang sandali nila ni Delmo. Wala siyang maipipintas sa asawa. Mabait ito at masipag sa pagtatrabaho. Kahit na may nararamdamang hindi maganda sa katawan ay patuloy sa pamamasada ng traysikel.

Maliban sa hindi siya mabigyan ng anak ay wala na siyang maipipintas pa sa asawa. Ni minsan ay hindi sila nag-away ni Delmo. Mapagpasensiya kasi si Delmo. Kahit sinusumpungan niya ito ay hindi kakikitaan ng pagkainis o pagkagalit. Mabait talaga si Delmo.

At sa tagpong iyon muli ay inusal niya ang paghingi ng tawad sa asawa. Nagtaksil siya rito. Namatay ito na ang buong akala ay kanya ang pinagbubuntis. Hindi nito nalaman na ang manunulat na si Trevor Buen­ viaje ang tunay na ama ng kanyang pinagbubuntis.

Nasaan na kaya ang manunulat na si Trevor Buen­viaje, tanong ni Thelma sa sarili. Siguro ay wa­ lang kaalam-alam ang manunulat na nabuo ang kani-lang pagniniig ng madaling araw na iyon.

Inaamin ni Thelma, sad­ya niyang tinukso si Trevor Buenviaje, hindi dahil may nadarama siya rito kundi gusto lamang niyang magpabuntis. Iyon ang kanyang gusto kaya nakipagniig sa manunulat na taga-Maynila.

At inaamin din naman ni Thelma na labis siyang nasiyahan sa pakikipag-talik kay Trevor Buenvia­je. Nalubos ang kanyang pagkababae nang ma­ka­­ talik ang matikas na manunulat. Kung hindi nagmamadali ang manunulat ng madaling araw na iyon, hihiling pa sana siya pero hindi na napigil. Sa pagma-madali ay naiwan pa nito ang keychain.

(Itutuloy)

ATE MARIE

DELMO

KAHIT

MABAIT

SALAMAT ATE MARIE

SHY

THELMA

TREVOR BUEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with