“ANO ba itong nangyaya-ring ito? Kung saan-saan na napunta ang usapan natin, Trevor…” sabi ni Mam Mina pagkaraan nang matagal-tagal ding katahimikan.
“Hindi ko nga rin alam Mam Mina kung bakit doon napupunta..”
“Mabuti kaya umuwi na ako. Para maiwasan ang anuman…”
“Maaga pa naman. Mamaya na lang.”
“Kasi’y ano, mahirap na Trevor.”
“Mamaya pa ng kaunti, please lang.”
“Nararamdaman ko, Tre vor kapag hindi ako umalis baka may mangyari…”
“Alam ko, Mam Mina…”
“Nararamdaman ko maaaring mangyari ang iniisip ko. Pero kaya ko pang labanan at pigilan…”
“Ano naman kung mangyari ang iniisip mo?”
“Kakahiya, Trevor. Ako ang sisisihin kapag nangyari itong naiisip ko. Unawain mo ako.”
“Pero gusto mo?”
Hindi sumagot si Mam Mina. Ibinaling ang pani-ngin. Tila napaso kay Trevor.
Nang magsalita ay desidido na sa pasya.
“Aalis na muna ako…”
Hindi na niya mapipigilan si Mam Mina. Talagang malakas ang pagtitimpi ng babaing ito. Kayang harapin ang tukso kahit unti-unti nang lumulukob sa katawan. Nanunuot na at handa nang tumupok.
“Bye, Trevor.”
Tumayo si Mam Mina. Lumakad at bumaba sa hagdan. Narinig ni Trevor ang mga bagsak ng sapatos sa baytang. Hanggang sa mawala.
Hindi na kumilos si Trevor sa pagkakaupo. Nawalan siya ng lakas. Hindi niya alam kung ano ang mga susunod pa.
At hindi rin niya alam kung kailan sila magkikita muli ni Mam Mina. O magkikita pa kaya sila ngayong unti-unti nang nabubuk-san ang isang relasyon?
(Itutuloy)