“MABILIS lang palang hana-pin itong lugar mo, Trevor,” sabi ni Mam Mina. Naka-ngiti. Mapuputi ang mga ngipin. Kaaya-aya ang itsura sa puting long sleeves at hapit ang jeans. Hindi aakalaing mahigit nang 50 ang edad. May bitbit na plastic bag si Mam.
“Kabisado na ng taxi driver itong lugar na ito Mam. Halika na sa itaas.”
Umakyat sila. Nauuna si Trevor.
‘‘Sa second floor ka?’’
‘‘Oo.’’
“Sinong nakatira sa ibaba?’’
‘‘Hindi ko na alam kung sino ngayon ang nakatira diyan. Dati mag-asawa ang nakatira diyan.’’
‘‘Mukhang tahimik naman dito ano?’’
‘‘Oo.’’
Nakarating sila sa itaas. Hinatak ni Trevor ang aluminum door.
‘‘Pasok Mam. Pasensiya ka na sa maliit kong kuwarto.’’
Pumasok si Mam.
‘‘Okey naman ah.”
Binuksan ni Trevor ang electric fan.
“Pasensiya na walang aircon.”
“Puro ka pasensiya. Okey lang sa akin kahit electric fan.”
Naupo si Mam Mina. Naupo rin si Trevor.
“Mabuti at nakaalis ka Mam. Ang daughter mo?’’
“Nasa dorm na. Ay siyanga pala, eto may dala ako para sa’yo. Niluto ko. Beef steak.’’
“Paborito ko ‘yan. Thanks.”
“Ilagay mo sa ref. Ipainit mo na lang. May microwave ka?’’
‘‘Wala.’’
“Basta ipainit mo. Magugustuhan mo ‘yan.’’
“Salamat uli.’’
Itinago ni Trevor ang dala ni Mam sa ref.
‘‘Ikaw lang pala talaga rito, Trevor.’’
“Akala ko marami ka-yong nangungupahan dito. Nasanay ka na sa ganitong buhay.’’
‘‘Oo naman. Wala naman akong pagpipilian.’’
“Sabagay kung ako nga nakatagal sa sitwasyong mahirap e ikaw pa kaya.’’
“Pero nag-iisip din ako minsan sa kalagayan ko. Kapag nag-iisa ay mahirap dahil walang mahingan ng tulong. Walang dumadamay. Tapos ay naiinggit ako sa pamilyang masaya dahil buo sila at sama-sama.”
Napatitig si Mam Mina kay Trevor. Bakas sa ekspresyon ng naaawa ito sa kanya. (Itutuloy)