Takaw (83)
IPINASYA ni Trevor na bumalik sa Trinoma. Nagmamadaling nagtungo sa coffee shop na kinaroroonan ni Mam Mina. Halos lumundag sa pagbaba sa escalator.
Nang marating ang coffee shop ay mabilis na pumasok. Hinanap si Mam sa kinauupuan kanina. Pero bakante na ang mesa. Nakaalis na si Mam!
Nakadama ng pagsisisi si Trevor. Bakit ba agad siyang nadala ng emosyon kanina? Bakit nagpadalus-dalos siya?
Lumabas siya sa coffee shop. Tila wala sa sarili na sumakay ng escalator pababa at nagtungo sa sakayan ng dyipni. Nakarating siya sa inuupahang bahay na hindi niya namalayan. Si Mam Mina pa rin ang nasa isipan niya. Paano kaya siya magso-sorry rito?
Mas lalong naging mabagal ang pag-usad ng mga oras. Kung sa mga nakaraang araw ay halos mamatay siya sa inip dahil walang sumasagot sa phone ni Mam, ngayon ay matindi ang salakay sa kanya sapagkat siya ang may kagagawan kung bakit nagkalamat ang “pagkakaibigan” nila. Saka lamang naalala ni Trevor na i-play ulit ang pinanonood na pelikula na binili sa Quiapo. Isinalang muli niya. Napanood na niya ang dakong unahan pero sinimulan muli niya.
Isang babae (mga 50 anyos) ang nagbibihis sa isang kuwarto. Kahit may edad na ay maganda pa rin ang babae. Nagpapalit ito ng panty. Halatang may pagka-konserbatibo ang babae dahil tinatakpan ang maselang bahagi. Naisuot ang panty. Hinubad naman ang t-shirt. Wala palang bra. Nagpalit nang mas manipis na tshirt. Bumakat ang mga suso.
Matapos iyon ay tinungo ang kama at saka nahiga. Nakatingin lamang sa kisame. Maya-maya may narinig na katok sa pinto ang babae. Isang lalaki na malaki ang kabataan sa babae ang dumating…
(Itutuloy)
- Latest
- Trending