^

True Confessions

Takaw(79)

- Ronnie M. Halos -

HINDI agad nakasagot si Trevor sa sinabi ni Mam Mina. Nabigla siya sa anyaya nitong magkita sila. Ngayong si Mam na ang nag-alok na magkita sila, hindi agad siya makapagpasya.

“May ginagawa ka ba Trevor?”

“Wala Mam.’’

“Di ba sabi mo gusto mo akong dalawin?’’

“Opo Mam.”

“E di ngayon na tayo magkita.”

“Saan Mam?”

“Alam mo yung coffee shop sa Trinoma?”

“Opo Mam.”

“Dun tayo magkita. Tiyak na mauuna ako sa iyo dahil nakabihis na ako.”

Itatanong pa sana ni Tre­vor kung bakit bigla-bigla itong nagyayang magkita sila pero hindi na niya tinanong. Mamaya na lang. Malalaman din niya kung bakit wala ito kahapon noong tinatawagan niya. Baka may kaugnayan doon kaya makikipagkita sa kanya. 

Excited si Trevor. Dali-daling naligo. Nagbihis. Nagwisik ng pabango. Nang aalis na ay naalala ang pelikulang pinanonood niya kanina nang tumawag si Mam Mina. Maganda ang pinanonood niya. Mayroong kuwento. Hindi pawang pagtatalik lamang kundi may malalim na istorya kung bakit humantong sa pagtatalik. Ganoon ang gusto niyang pelikula.

Mamaya na lamang niya ipagpapatuloy ang panonood niyon. Mas mahalaga ang pakikipagkita niya kay Mam Mina.

Dalawang sakay bago marating ang Trinoma. Kabisado niya ang Trinoma. Noong nasa kolehiyo pa siya, madalas siya rito. Pasyal lang. Minsan na rin silang nagkayayaan ng kaklase niyang si Tisoy at isa pa na mag-beer sa isang restaurant dito. Bagnet at sisig ang pulutan nila. Mula nang maggraduate sila, hindi na naulit ang pag-iinuman. Hindi na nasayaran ng beer ang tiyan niya.

Kabisado ni Trevor kung nasaan ang coffee shop na sinabi ni Mam Mina na pagta­tagpuan nila. Nasa may dakong loob. Malapit sa Japanese restaurant.

Nakita niya ang coffee shop.

Pagpasok ay nalanghap niya ang aroma ng coffee. Masarap. Nakita agad niya si Mam Mina. Nasa may dulo ito sa gawing kaliwa. Kinawayan siya. Tinungo niya. Iilan pa lang ang customer. Masyado pang maaga.

“Hi, Trevor?” bati ni Mam nang makalapit siya..

Ngiti lang ang isinagot ni Trevor. Umupo siya.

‘‘Mabilis ka rin. Kararating ko lang.’’

‘‘Walang trapik Mam.’’

‘‘Parang kabisado mo na ito. Madalas ka ba rito?’’

‘‘Kabisado ko ang Trinoma pero ngayon lang ako nagpunta sa coffee shop na ito.’’

“Ah,’’ sabi.

Napagmasdan ni Trevor ang attire ni Mam. Puting blusa at itim na pants. Simpleng-simple. Napansin niya ang katamtamang pahid ng make-up na nagbigay ng lubos na kagandahan dito.

Hindi alam ni Trevor kung ano itong nararamdaman niya sa babaing malaki ang agwat ng edad sa kanya. At ano ang mangyayari sa kanila ngayong nagkita sila?

(Itutuloy)

KABISADO

LSQUO

MAM

MAM MINA

NIYA

OPO MAM

TREVOR

TRINOMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->