^

True Confessions

Takaw (61)

- Ronnie M. Halos -

NAGSAKSAK si Dionisio! Natagpuan na lamang na nakahandusay sa kulu­ngan at duguan. Patay na. Isang balisong ang natagpuan sa tabi ng bangkay. Hindi maipaliwanag ng mga pulis kung bakit nagkaroon ng balisong si Dionisio. Sabi ng pulis, baka talagang may balisong na si Dionisio nang ipasok sa kulungan at hindi lamang narekisa ng mga pulis. Wala naman daw ibang dumalaw kay Dionisio kundi ako lamang. Wala rin daw ibang nakakulong kaya imposible na nanggaling sa iba ang balisong.

“Iyak ako nang iyak. Napakalupit naman ng nangyari sa aking kapatid na tinapos ang buhay sa ganoong paraan. Masyadong dinibdib ang pagkapatay sa anak. Hindi matanggap.

“Nang dumating ang dalawang anak ni Dionisio ay mas lalong matindi ang nangyaring iyakan. Kahit daw hindi sila gaanong naintindi ng kanilamg ama at naibuhos nga kay Lolit, hindi sila nagtanim ng sama ng loob. Pinatawad na nila ang kanilang ama. Nakalimutan na nila iyon. Hindi rin naman daw nila akalain na hahantong sa madugo ang lahat.

“Nang mailibing sina Dionisio, Alex at si Lolit, ay tila ba naging katatakutan na ang bahay na pinangyarihan ng krimen. Sa gabi ay iniiwasang dumaan doon dahil meron daw silang naririnig na nag-uusap at umuungol sa bahay. Naninindig daw ang balahibo nila kapag nagdadaan sa bahay.

“Hanggang sa magkaisa ang lahat na sunugin ang bahay. Para raw mawala ang malas na idinulot ni Lolit. Pero bago sinunog ang bahay ay ipinaalam muna sa dalawang anak ni Dionisio. Pumayag naman ang dalawa. Ako na raw ang bahala. Pati raw sa lupa at mga ani na nakukuha sa gulayan ay ako na ang kumuha.

“Mula nang masunog ang bahay ay wala nang naririnig doon. Para bang pati ang mga kaluluwang nananahan sa bahay ay natupok. Hanggang sa malimutan na ang pangyayaring iyon. Hindi na pinag-uusapan.

“Kaya nga nang ikaw ay dumating dito Trevor at banggitin ang tungkol sa nangyari noong 1986 ay gulat na gulat ako. Hindi ko akalain na mayroon pang makakaalala sa krimen.

“Iyan ang buong pangyayari at siguro, kapag may nakabasa ay maa­aring maawa kay Dionisio. Kasi ay talaga namang nakakaawa ang buhay. At siguro maraming maiinis kay Lolit.”

Napabuntunghininga si Trevor.

“Kapag natapos po ang mga sinusulat ko ay da­dalhin ko rito, Lola Imang. Pangako.”

“Aba’y sige Trevor. Sana ay madala mo rito habang ako ay malakas pa at medyo malinaw pa ang mga mata. Gusto kong mabasa ang kuwento ni Dionisio.”

“Dadalawin uli kita, Lola Imang.”

(Itutuloy)

BAHAY

DIONISIO

HANGGANG

LOLA IMANG

LOLIT

NANG

TREVOR

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with