^

True Confessions

Takaw (48)

- Ronnie M. Halos -

“GULAT na gulat kami nang biglang lumitaw si Dionisio at may kasamang babae, batambata pa at may itsura. Nakabalandra ang mga suso. Tinanong na-ming kung saan siya naglagi at bakit hindi man lamang nagpa-sabi kung nasaan. Ang sagot ay sa tabi-tabi lang daw. Wala naman daw nangyari sa kanyang masama kaya hindi na raw dapat kaming kuribdiban. Ang mahalaga raw ay narito na siya at maligaya.”

“Tinanong po ba ninyo kung sino ang kasama niyang batambatang babae?”

“Oo. Asawa raw niya. Lolit ang pangalan. Nagpakasal na raw sila sa huwes. Hindi namin alam kung totoo ang sinasabi ni Dionisio. Baka kami ay inuulol lamang. Hindi na kami nag-urira pa.

“Pero ang dalawang anak ni Dionisio na sina Anto at Maria ay hindi tanggap ang pagbabalik ng ama na may kasamang babae. Nakaismid ang dalawa. Ang bunsong si Alex ay walang kakibu-kibo. Balewala sa kanya kung anuman ang pas­ya ng ama.

“Kaya dahil tutol sina Anto at Maria, naglayas ang mga ito. Hindi na namalayan ni Dionisio ang pag-alis. Nang magsibalik, may mga asawa na at anak ang dalawa. Nawala na rin ang hinanakit sa amang si Dionisio.

“Mula nang mag-asawa si Dionisio, bu­ma­lik naman ang kanyang dating kasipagan. Para bagang nagbigay sa kanya ng sigla si Lolit. Aba ay parang tureteng kalabaw sa sipag. Kinaingin lahat ng bundok naming at tinaniman ng magandang klase ng palay, mayroong pakwanan, gulayan at nagtatanim pa ng tubo. Ala ay mas masipag pa kaysa noon.

“Minsan nga ay ti­nanong ko kung bakit masiglang-masigla siya at tila bumata pa ang itsura. Sagot ay dahil daw kay Lolit. Maigi raw hahataw ang babae. Talaga raw sulit na sulit ang pagpapakahirap niya. Hindi raw siya nagsisisi sa pagpa-pakasal kay Lolit.

“Tinanong ko kung saan ba niya nakuha si Lolit, pero ayaw magsalita. Basta maligaya raw siya kay Lolit.

“Nang tanungin ko naman kung walang problema ang anak niyang si Alex kay Lolit, wala raw. Magkasundo raw ang dalawa.”

(Itutuloy)

ALEX

ANTO

DIONISIO

KUNG

LOLIT

NANG

RAW

TINANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with