Takaw (16)
SIXTY years old na si Manong Rod. Retired na raw siya bilang bookkeeper sa kanilang munisipyo. May asawa siya at limang anak na pawang mga may sarili ng pamilya. Sila na lamang daw mag-asawa ang namumuhay dahil malalayo ang kanyang mga anak. Ang dalawa ay nasa abroad. Ganoon man mada las silang dalawin ng mga anak at apo na narito sa Pilipinas samantalang mada-las silang tawagan ng mga anak na nasa ibang bansa.
Maligaya raw silang nagsasama ng kanyang asawa. Hindi lang daw nakasama sa kanya ngayon patungong Maynila dahil masakit ang tuhod. May arthritis. Hindi raw sana niya iiwan ang asawa dahil naaawa siya at hindi makakilos pero ito na mismo ang nagtulak na magtungo sa Maynila para dumalo sa malaking gathering ng kanilang church. Christian daw silang mag-asawa.
“Pero bago ko nakilala ang Diyos ang dami kong nagawang kamalian sa buhay. Umiinom ako nang alak at kapag nalasing ay naghahamon ng away. Naninigarilyo rin ako. At ang matindi ay naging babae ko ang aming katulong...”
Ito ang hinahanap na kuwento ni Trevor Buenviaje. At tila kakaiba na naman ang kuwentong ito sapagkat ang mismong sangkot din ang nagtapat ng kanyang kasaysayan. At nang sinabi ni Trevor na ibibilang niya sa koleksiyon ng mga kuwentong kalaguyo ang kuwento ni Manong Rod ay willing na willing ito. Kung ang una niyang nainterbyung lalaki ay humiling na huwag ilagay ang tunay na pangalan, itong si Manong Rod ay gustong-gustong ilagay ang pangalan niya. Hindi raw niya ikinahihiya ang mga ginawa at wala siyang balak itago. Gusto nga raw niya mabasa nang nakararami ang kuwento niya para magsilbing aral. Isang patotoo raw ito kaya gusto niyang malathala. Wala raw siyang itatago.
“Mahilig ako sa babae noon, Trevor. Gusto ko laging makikipagtalik. Hindi ko alam kung bakit sobra ang aking pagkahilig. Sabi nga ng mga kaibigan ko at mga kainuman, lagyan lang daw ng damit ang bisekleta ay sasakyan ko…”
Napangiti si Trevor. Mahusay magsalita si Manong Rod. Sanay na sanay nang magkuwento. Siguro’y nasanay na sa mga pagpapatotoo sa kanilang Church.
“Marami akong naging babae. Noong nasa munisipyo pa ako, pati ang janitress ay napakialaman ko. At hindi ka maniniwala, Trevor, kapag breaktime, ay nakakapagtalik kami sa tabi-tabi lang. Grabe ang hilig ko. Pero hindi ko naman pinipilit ang mga nakakatalik ko. Gusto rin nila. Yung isa pa nga e may-asawa. Medyo nabola-bola ko lang e kumagat…ayun natuhog…”
Pansamantalang natigil ang pagkukuwento ni Manong Rod nang lumapit ang konduktor. Si Trevor na ang umako sa pamasahe ni Manong Rod.
“O napakasuwerte ko naman. Baka ma-short ka Trevor?”
“Mas masuwerte ako Manong Rod kasi nakilala kita. Hindi ko kailangang maghanap pa ng kuwento. At tiyak ko, kakaiba ang kuwento mo, Manong.”
Tinapik siya ni Manong Rod. Itinuloy nito ang pagkukuwento. (Itutuloy)
- Latest
- Trending