Ganti (89)
ANG pangarap ni Kelly ay makatapos ng pagdo-doktor ang dalawa niyang kapatid. Sapat na iyon. Wala na siyang mahihiling pa sa buhay.
“Sila na lamang ang pag-aaralin ko Ate. Hihi-lingin ko sa iyo na tulu-ngan mo ako. Gusto ko, sa Maynila sila mapag-aral ng kolehiyo at Medisina. Kasi sa aming probinsiya, mahina ang aral. Puwede ba Ate Lorena?”
“Oo naman, Kelly. Wala pa akong binigo sa in- yong pito. Lahat ay gusto kong matulungan.”
“Salamat Ate. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa’yo, tiyak na matutuwa sina tatay at nanay kapag nalaman na maka-kapag-aral ng Medicine ang kambal.’’
‘‘Sabihin mo sa kambal, maghanda sila para makakuha ng exam sa isang unibersidad sa Maynila. Palagay ko ngayong mga panahon ay nag-aaplayan na para sa entrance exam.’’
‘‘Opo, Ate. Ite-text ko na sa kambal.’’
“Meron naman akong kakilala sa Quezon City na maaaring tirahan ng kambal. Yung bahay nina Nanay Delia at Tatay Erning sa Tatalon ay ginawa nang boarding house at anytime puwede silang tumira roon. Libe pa ang pagtira roon.”
“Sino po yung Nanay Delia at Tatay Erning?”
“Sila ang mabait at matulunging mag-asawa na tumulong at “sumagip” din sa akin noong ako ay hirap na hirap sa buhay. Hindi ko malilimutan ang mag-asawa na itinuring ko nang tunay na mga magulang.”
Nakatitig lamang si Kelly kay Lorena. Marahil ay iniisip nito kung saan siya sinagip ng mag-asawa. Pero hindi na niya ikinuwento ang tungkol doon. Hindi na dapat malaman.
“Yung pamangkin ni Nanay Delia ang napa-ngasawa ko, Kelly.”
“Ano pong pangalan ng napangasawa mo, Ate?”
“Noli. Napakabait, napakamaunawain, napakaresponsible, napakapasensiyoso at walang katulad na ama…’’
Nakatitig lang si Kelly.
“Si Noli ang nagpalakas ng loob ko. Aandap-andap na ang pag-asa ko pero dahil sa kanya, nagkaroon muli ako ng lakas. Siya ang susi kung bakit mayroon tayong negosyo ngayon. Ang orihinal na resipe ng skinless longganisa ay siya ang may timpla. Hanggang ngayon, iyon pa rin ang resipe na ginagamit natin at gustung-gusto ng ating customer.”
“Napakahusay po pala ni Kuya Noli.’’
‘‘Sobra-sobra ang husay niya, Kelly. Wala akong masasabi kay Noli. Kaya naipangako ko sa kanya, siya ang una at hu-ling lalaki na aking iibigin. Wala siyang kapantay, Kelly…’’
“Ang ganda po pala ng love story mo, Ate Lorena.’’
“Sobrang ganda, Kelly.”
“Sana po katulad din ni Kuya Noli ang mapa-ngasawa ko.’’ (Itutuloy)
- Latest
- Trending