INALIS ng amo ang padlock. Nabuksan ang pinto. Ni hindi napansin ang butas sa likod na nasa tapat ng padlock.
“Ara! Ara!”
Humakbang papasok.
“Ara, nasaan ka, putang-ina!”
Nang walang sumagot, ay sinilip ang kinaroroo-nan ni Pau. Wala!
“Putang-ina, wala!”
Hinalughog na ang buong kuwarto. Pati ang ilalim ng folding bed at ang ilalim ng higaan ni Pau. Wala talaga!
“Nakatakas ang mga demonyo!”
Nagmamadaling lumabas ang amo. Nagbabakasakaling mahabol ang mga mga tumakas na sina Ara at Pau. Pero ano ang aabutan niya gayung malayo na ang mga tumakas. Nasa bus na at banayad na tumatakbo patungong Nagcarlan.
Mainit ang ulo na bumalik sa bahay ang Intsik. Sinuri-suri ang pintuan. Inaalam kung paano nakatakas ang dalawang tindera. Hanggang sa makita niya ang butas sa likod ng kinakabitan ng padlock.
Sinuntok ng amo ang pinto. Kumalabog. Hina-yang na hinayang siya. Kanina ay sabik na sabik siyang makatikim na naman ng sariwa at batambata. Alam niya na ang “sariwang laman” ang kanyang kailangan para sumigla ang katawan niya.
Sino pa ang kanyang titikman ngayong wala na si Ara? Naisip niya na dapat ay mag-recruit uli siya ng mga batambatang tindera. Mas maganda kung mga bagong graduate sa high school ang makuha nilang tindera. At kailangang magaganda ang kukunin, katulad ni Pau at Ara.
Masama ang loob na ikinandado uli ng amo ang kuwarto at nagbalik sa kanyang sariling kuwarto. Iniisip niya kung paano sasabihin sa asawa ang pagtakas na naman ng mga tindera. Tatlo na ang nakakatakas, una si Lea, sumunod si Ara at Pau. Iilan na lamang ang kanilang tindera. Kailangang kumuha ng panibago.
Nagmura nang nag-mura ang asawa nang malaman na may nakatakas na namang tindera.
“Tatanga-tanga ka kasi, buwisit!” sabi ng asawa.
Hindi na sumagot ang among lalaki. Mahirap nang sumagot at baka lalong lumala ang problema. Ang mahalaga, makakuha sila ng mga bagong tindera – yung may-itsura at batambata pa. (Itutuloy)