Ganti (51)
SINUBUKAN ni Lorena na itulak ang pinto. May kaunting sumasabit pa. Itinodo ang tulak. Bumukas. Tagumpay sila. Isinara muli ni Lorena. Saka sinabihan sina Ara at Pau na maghanda na. Wag nang magbitbit ng kung anu-ano. Solong katawan na lang para mabilis na makababa.
Sumunod ang da-lawa. Inalalayan ni Ara si Pau.
Nakalabas ang dalawa sa kuwarto. Sumunod si Lorena. Marahang ibinalik ang natungkab na kinakabitan ng padlock. Iniayos na animo’y hindi natung-kab. Aakalaing walang nakatakas sa itsura ng padlock.
Nagmamadaling bumaba sa hagdan si Lo- rena at hinabol ang dalawa. Madilim na madilim sa labas pero sa umpisa lamang iyon. Masasanay din ang mga mata nila. Naabutan niya sina Ara at Pau. Alalay pa rin ni Ara si Pau na mahina pa rin ang katawan.
“Saan po tayo pupunta Mam?”
“Sa may gawing Rec-to. Dito sa kanang eskinita. Huwag sa main road at baka madali tayong makita kapag hinabol ng manyakis.”
Tinuwid nila ang eskinita. Hanggang sa makakita sila nang mara-ming nagdadaang sasakyan. Iyon na ang Recto Avenue.
Pinara ni Lorena ang isang dilaw na taksing walang laman. Tumigil at sumakay sila.
“Saan po tayo, Mam?” tanong ng drayber na magalang.
“Sa terminal sa Buendia. Doon mo kami idaan sa walang trapik ha. Dadagdagan ko ang bayad,” sabi ni Rowena na umupo sa unahan, sa tabi ng driver.
“Kahit na hindi mo dagdagan Mam. Dadalhin ko kayo roon ng ligtas.”
“Salamat. Sana katulad mo ang lahat ng taxi driver.” Napangiti ang driver na siguro ay mga 40-taong gulang. Tiningnan ni Lorena ang kanyang relo, mag-a-alas-diyes na pala ng gabi.
Samantala, nang mga sandaling iyon ay lumabas ng kanyang kuwarto ang malupit na among Intsik. Hawak nito ang susi ng kuwarto. Nakangiti pa ang amo. May iniimadyin na sa mga mangyayari. May bago na naman siyang bi-biktimahin— si Ara. Katulad ni Pau, kasariwaan pa rin ni Ara.
Sinusian niya ang kandado ng kuwarto. Klik! (Itutuloy)
- Latest
- Trending