Ganti (10)

“TIYAK na buntis ka, Lo­rena,” sabi raw ni Aling Delia. Hi­nimas-himas ang likod ni Lorena na nagsu­suka sa lababo. Malamig ang pawis.

“Ano po ang gagawin ko Aling Delia?”

“Ipatse-checkup kita pare masiguro. Mamaya punta tayo sa ospital. Sige magpa­hinga ka muna. Ako na muna ang maghu­hugas ng ping­gan.”

“Salamat po Aling Delia.”

Positibo ang resulta ng pregnancy test.

“Sabi ko na nga ba,” sabi ni Aling Delia.

“Paano po ako ngayon, Aling Delia?” tanong ni Lorena nang palabas na sila sa clinic ng OB-Gyne.

“Aba e alangan namang itapon ka namin ni Erning. Nga­yon pa na buntis ka. Huwag kang mag-alala at kasama mo kami kahit saan.”

“Paano ko po bubuhayin ang anak ko, Aling Delia?”

“Kami nga ang bahala ni Erning. Basta huwag kang mag-isip tungkol doon.”

Nang malaman ni Mang Erning na buntis si Lorena ay pi­nagpaliwanagan din ito. Bi­nanggit kasi ni Aling Delia sa asawa na naguguluhan ito sa kalagayang buntis. Parang hindi kakayanin ang bagong pag­subok.

“Huwag kang matakot kung paano bubuhayin ang anak mo. Basta manalig ka lang sa Diyos. Nalampasan mo na yung pina­kamabigat na trahedya e di kaya mo rin yan. Dito tayo magsa­sama-sama.”

Umiyak si Lorena.

“Ikaw din naman ang nag­sabi na wala kang ibang ma­pupuntahan. Dito e hindi ka namin ituturing na ka­tulong o alila, basta magka­kasama tayo rito. Kung ano ang kakainin namin, kaka­inin mo rin,” sabi pa ni Mang Erning.

Lalong umiyak si Lorena. Napakabuti ng mag-asawa. Hiling niya na sana ay hu­maba pa ang buhay ng mag-asawa.

Habang lumalaki ang tiyan ni Lorena ay ang mag-asawang Erning at Delia ang sabik na sabik.

“Sana lalaki para mayron akong makalaro,” sabi ni Mang Erning.

“Sana babae para meron akong aayusan,” sabi na­man ni Aling Delia.

At saka magtatawa­nan.

“Ikaw Lorena, ano ang gusto mo, babae o lalaki?” tanong ni Mang Erning.

“Kahit po ano.”

Sa totoo lang ay hindi pa rin matanggap ni Lo­rena na ang pinagbubuntis ay mula sa among Intsik na gumahasa sa kanya. Naaalala niya ang ilang beses na panggagahasa sa kanya ng amo.

Hanggang sa manga­nak si Lorena. Isang ma­lusog na sang­gol na lalaki ang ipinanganak niya.

(Itutuloy)

Show comments