^

True Confessions

Ganti (5)

- Ronnie M. Halos -

LAGING ganoon ang sinasabi ng mga nabibiktima ng rape. Natakot kaya hindi nagsumbong. Pinagbantaang papatayin kaya hindi nagkalakas ng loob tumakas at magsumbong sa pulis. At isa ang mama niya roon. Iyon ang kanyang itinanong dito.

“Bakit hindi ka tumakas at nagsumbong Mama?’’

“Natakot nga ako. Kung alam mo lamang ang nada- ma kong takot noon. Sagad sa buto ang takot ko kaya        kung ano ang sabihin ng among lalaki ay wala akong magawa kundi ang sumunod.”

“Ngayon ay hindi na takot ang mga alila o katulong, Mama. Nagsusumbong na ngayon ang mga minamaltrato at ginagahasang katulong. Kahapon nga may nabasa ako sa diyaryo na katulong na ginulpi ng amo. Hinuli ang among nagmaltrato.”

“Iba noon kaysa ngayon. Ngayon ay malalakas na ang loob ng mga katulong. Ako, mahina ang loob ko. Nangi­nginig ako sa takot at hindi nga makapagsalita. Habang ginagahasa ako ng amo ko, para akong papel na tangay-tangay ng agos. Kung ano ang mga mangyayari ay hindi ko alam.”

Napabuntunghininga siya sa sinabi ng mama niya. Naroon pa rin ang awa sa sinapit nito. Hayup na Intsik. Isang walang kalaban-laban at mahinang babae ang walang awang ginahasa. Putang-ina!

“Sa ikatlong panggahasa sa akin ng amo kong lalaki, nahuli na kami ng amo kong babae…” sabi ng kanyang mama. Nakita niyang may dalawang butil ng luha na gu­mulong sa dalawang pisngi nito. Nalaglag ang luha sa kandungan. Pinahid iyon ng likod ng palad. Napagmasdan niya ang pangit na peklat sa kamay ng kanyang ina. Kagagawan nang malupit na amo. Nasilip niya ang taynga ng kanyang ina na may bakas din ng kalupitan.

Pagkaraang pahirin ang luha ay ipinagpatuloy ang pagkukuwento sa masamang karanasan niya sa among lalaki.

“…sa banyo uli ako gina­hasa ng amo kong lalaki. Tiniyempuhan na naman na nasa tindahan ang asawa. Naglilinis uli ako ng banyo nang biglang pumasok. Hindi na nai-lock ang pinto dahil sa matinding pagnanasa akin. Ganoon na naman ang sinabi, papatayin ako kapag tumanggi. Huwag daw akong sisigaw. Hayok na hayok na namang sinibasib ang suso ko. Nang magsawa, ibinaba ang aking panty at iginiit na naman ang pagkalalaki. Masakit pa rin. Makirot. Nasa kalagitnaan ng pagsasamantala at nakatarak pa ang pagkalalaki sa aking pagkababae nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Sumungaw ang amo kong babae. Huling-huli ang amo kong lalaki sa ginagawa sa akin.”

“Mga hayup!” Sabi raw ng amo niyang babae.

Pero binaliktad daw ng amo niyang lalaki ang kuwento. Siya raw ang kusang nagkaloob ng pagkababae. Tinukso lang daw siya.

Ang kasunod na pangyayari ay masyado raw malupit. Sa tingin daw ng kanyang mama, kampon na ng demon-yo na ang nasa harapan niya.

(Itutuloy)

AKO

AMO

BAKIT

GANOON

HABANG

NATAKOT

NGAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->