^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (112)

- Ronnie M. Halos -

NANG dumalaw ang ka-patid ni Fred na si Imelda ay hindi ito makapaniwala sa dami ng mga taong kumakain sa aroskalduhan. At mas lalong itong namangha nang makita ang babaing katulong na rin nina Fred at Mulong sa pagbibigay ng order sa mga kustomer. Naintriga si Imelda at agad na sinimplehan ang kapatid.

“Kuya, siya ba yung sinasabi mong si Ganda?”

“Oo. Siya si Ganda. Ang ganda ano?”

Nagtawa si Imelda.

“Akala ko ba sabi mo ay nawala na si Ganda dahil sa sunog…”

“Nakaligtas siya. Himala nga. Siguro talagang hindi pa oras. Nagpapa- salamat nga at nakaligtas siya. Dahil sa kanya kaya napakalakas ng aroskal­duhan. Alam mo bang mag­hapon na ang operasyon namin?”

“Napansin ko nga. Kailangan, eexpand mo pa itong garahe mo.”

“Balak ko paluwangin.”

“Paano ang arrangement n’yo ni Ganda? Hel-per siya?”

“Hindi namin pinag-uusapan yun. Kasi wala talaga siyang tutuluyan dito sa Maynila. Hindi na niya makita ang ina niya. Siguro, ayaw sa kanya.”

“Kawawa naman. Ang ganda pa naman. Boto ako na mapangasawa mo siya Kuya. Kaso baka magselos ang anak mong si Kim. Alam mo naman yun.”

“Ikaw na ang magpaliwanag kay Kim kapag dumating sa ganoong punto. Kasi’y talagang hindi ko na paaalisin dito si Ganda.”

“Mukhang magiging mabuting asawa naman sa palagay ko si Ganda.”

“Mabait siya, Imelda. Teka at ipakikila kita,” tinungo ni Fred si Ganda na nagsisilbi ng puto. Ipinag-sama patungo kay Imelda. Ipinakilala ito. Beso-beso sila.

“Ikaw pala ang magiging hipag ko,” sabi ni Imelda. Namula ang pisngi ni Ganda. “Sabi ko kay Kuya huwag ka nang paalisin dito.”

Si Fred ay hindi makapagsalita sa mga sinabi ni Imelda.

“Baka nga hindi na ako umalis dito, Imelda. Kasi’y marami na akong utang kay Fred. Noon pang nasa liblib kami ng Luningning, ay baon na kami sa utang ni Lola. Siguro ay panahon na para ako magbayad…”

Hindi na lalo makapagsalita si Fred.

“Talagang magbaba-yad na ako ngayon at hindi pera ang ibabayad ko…”

“Anong ibabayad mo?” tanong ni Imelda.

“Pag-ibig na ang iba­bayad ko…”

Si Fred naman ang namula ang pisngi.

“Kuya magsalita ka naman…”

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

GANDA

IMELDA

KASI

KUYA

SI FRED

SIGURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with