^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (51)

- Ronnie M. Halos -

KINABUKASAN, bago pa tuluyang sumikat ang araw ay malawak na ang natabasan ni Fred sa pampang ng sapa. Makikita na ang sinumang tao na magdadaan sa pampang at maaaring matanaw kung sino ang naliligo sa sapa mismo. Ilang araw pa at lubusan nang maalis ang mga dawag. Wala nang makapagtatago at makakapanilip kay Ganda. At sigurado si Fred, hindi na rin maliligo si Ganda sapagkat lantad na lantad na ang sapa. Naisip ni Fred na mas mabuti na iyon kaysa naman mapahamak si Ganda sa mga magtatangkang lalaki. Sa ganda niya, maaaring pasukin ng demonyo ang utak ng sinumang lalaki na makakakita sa katawan niya.

Ikatlong araw ay natapos na ni Fred na linisin ang pampang ng sapa. Mula sa kanyang kubo ay tanaw na tanaw na niya kung may paparating na tao. At ngayon lamang napag-isip-isip ni Fred na tama ang pinsang si Raul. Ipinayo ni Raul kay Fred noon na mas ma­ganda raw kung lilinisin ang tabing pampang para makita ang mga taong darating. Maganda rin daw kung pa­gagandahin ang pampang ng sapa. Tama nga si Fred. Maganda nga kapag malinis ang tabing sapa.

At nagkaroon pa ng ide­ya si Fred sa ikagaganda ng sapa. Lalagyan niya ng tulay para hindi na mahirapan ang mga dadaan. Ang tulay na kasalukuyang nasa sapa ay dalawang kahoy na kasinglaki ng hita at malapit nang mabulok. Puno ng niyog ang ilalagay niya para mas magandang tulayan. Marami namang matatandang puno ng niyog na maaari na niyang putulin at gawing tulay.

Ginawa niya iyon kinabukasan. Lalo nang naging maganda ang sapa sapagkat madali nang matatawid.

Nang sumapit ang Martes na eskedyul ng paliligo ni Ganda, nag-abang siya. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksiyon ni Ganda kapag nakitang wala na siyang mapapagkublihan sa paliligo.

Dakong alas-onse, mula sa kanyang kubo, natanawan niya si Ganda.

(Itutuloy)

DAKONG

FRED

GANDA

GINAWA

IKATLONG

ILANG

MAGANDA

NIYA

RAUL

SAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->