May hiyas pa sa liblib (48)

NASAMYO ni Fred ang sabon na ginamit ni Ganda. Fresh na fresh. Kilala ni Fred ang sabon na iyon. Paborito rin niya ang sabon na ginagamit ni Ganda.

‘‘Baka lagnatin ka na naman, Ganda,’’ sabi ni Lola Angela nang makaakyat si Ganda. Ingat na ingat si Ganda sa pag-akyat. Nang makita si Fred ay bahag­yang ngumiti. Kinipit ang tuwalyang nakabalot. Baka nga naman maalis sa pagkakabalabal. Umisod si Fred para makadaan si Ganda.

‘‘Nagdala ng prutas si Fred. Paborito mo ang lansones di ba Ganda?’’

Tumango lang si Ganda. At pumasok na ito sa maliit na kuwarto ng kubo.

Tila napahiya si Lola     Angela sa ginawa ni Ganda kaya nagpapaumanhin. “Tingnan mo itong si Ganda at parang walang pakikipagkapwa. Ni hindi man lang nagpasalamat. Pasensiya ka na ha, Fred. Mahiyain kasi...alam mo na ang dalagang bukid,’’ sabi at nagtawa.

‘‘Okey lang yun, Lola.’’

“Sandali lang Fred at kukunin ko ang dahon sa labas. Sandali lang. Bibigyan kita ng puto at kutsinta.”

“Sige lang Lola.”

Habang wala si Lola ay ini-imagine ni Fred ang ginagawa ni Ganda sa loob ng maliit na kuwarto. Inalis na nito ang nakabalabal na tuwalya. Nakalantad ang mga magagandang boobs na malapitan na niyang nabistahan. Ang tanging hindi niya nabibistahan nang malapitan ay ang nasa ibaba ng puson. Napabuntunghininga si Fred. Naalala niya noong nasa silong siya at naaktuhang nagbibihis si Ganda. Kailan kaya uli siya maka­katiyempo ng ganoon. Min­­san lang dumating ang magandang pagkakataon.

‘‘Fred kumakain ka ba ng ginataang kuhol?” tanong ni Lola. Hawak ang mga sa­riwang dahon ng saging.

“Opo. Masarap po ang kuhol Lola.”

“Pagdadalhin kita para maiulam mo. Yun bang pinsan mo e nandiyan pa?’’

‘‘Wala po Lola. Minsan lang po kung dalawin ako ni Raul.’’

‘‘Talaga bang nag-iisa ka lang sa bahay mo?’’

‘‘Opo.’’

Hindi na nag-urira pa ang matanda.

Nakita ni Fred na naglagay ang matanda ng ginataang kuhol sa malukong na lalagyan. Nagbalisungsong ng sariwang dahon at nilagyan ng puto’t kutsinta. Inilagay ang mga iyon sa bilao na pinaglagyan ng prutas.

‘‘Eto Fred, pasensiya ka na sa mga ito,” sabi ni Lola.

‘‘Salamat Lola.’’

Pinakikiramdaman ko kung lalabas si Ganda. Walang kumikilos. Mahiyain nga yata o talagang hindi lang siya type ni Ganda.

Bumaba na si Fred. Hindi siya magsasawa para paamuin si Ganda. Ganun ang gusto niya, ‘yung mahihirapan muna. (Itutuloy)

Show comments