^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (82)

- Ronnie M. Halos -

NAGISING kami ni Jesusa dahil mayroong tumatawag sa pangalan ko.

“Per, parang me tumatawag sa’yo. Palagay ko, nasa tapat ng bahay mo,” sabi ni Jesusa habang tinatapik ang braso ko.

“Sino kaya?”

“Silipin mo.”

Bumangon ako. Ki­nu­ha ang pantalon na nakasabit at isinuot. Lu-mabas ako at tiningnan ang tumatawag.

Nagulat ako sa di-ina­asahang mga pa­na­­­uhin— sina Mr.  Diegs at Frankie. Nasa tapat nga ng bahay ko. Minsan nang nagtungo rito si Frankie noon. Ba’t kaya pati si Mr. Diegs ay kasama.

Lumabas ako ng bahay at binuksan ang gate. Nakita na pala ni Frankie ang paglabas ko sa bahay ni Jesusa at sinalubong na ako.

“Langhiya ka Per, diyan ka na pala nakatira e di mo sinasabi. Napaos na ako sa katatawag e nandiyan ka lang pala. Nabili mo na bang bahay na ‘yan?”

Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagka­bigla.

“Ano Per, para kang nananaginip a. Nabili mo na bang bahay na ‘yan?”

“Ha e ano…”

Bago pa ako naka­sagot e naramdaman ko nang nasa likuran ko na si Jesusa. Sumunod pala sa akin.

“Bahay ito ng asawa ko, Frankie. Bahay ni Jesusa…” sabi ko at inakbayan si Jesusa.

Nakamulagat si Frankie. Hindi inaasahan ang sinabi ko at siguro ay ha-ngang-hanga sa ganda ng babaing akbay ko. Hin-      di akalain na asawa ko.

Pero kung manghang-mangha si Frankie, mas lalo nang namangha si Mr. Diegs sa ganda ni Jesusa. Nakita ko sa mga mata niya ang matinding paghanga kay Jesusa.

Lumapit siya sa amin.

“Bossing, si Jesusa, magiging misis ko…”

“Pinahanga mo kami ni Frankie, Per. Wala kang imik pero matinik…” sabi ni Mr. Diegs.

Nagtawa ako.

“Oo nga, Per. Akala ko, magpapakatandang binata ka ‘yun pala e me itinatago ka,” sabi naman ni Frankie na nakabawi na sa pagkamangha kanina.

Nagtawanan kami.

“Pasok po kayo rito sa loob, mga Sir. Dito po tayo magkuwentuhan   sa loob ng bahay…”

“At ang ganda pa ng boses ng waswit mo, Per. Bilib na talaga kami…”

Tawanan uli kami.

Pumasok na kami sa bahay.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANO PER

BAHAY

FRANKIE

JESUSA

MR. DIEGS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with