^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa(4)

- Ronnie M. Halos -

BASA na ako. Malakas ang buhos. Kahit na makapal ang dahon ng mangga, hindi kayang harangin ang malakas na buhos. Pero kaya kong tiisin ang pagkabasa o maski na lamigin pa ako, basta maganda lang ang panonoorin. Hindi ako bababa.

Bitbit ng babae ang pan­ dukal ng lupa. Gu­mawi sa pader na nasa tapat mismo ng mang­gang kinaroroonan ko. Dinukal ang lupa na may mga tanim na santan at iba pang halaman na hindi ko kilala. Ganoon na naman ang style niya sa pagdu­dukal ng lupa. Nakatungo. At nabuyangyang sa suot na t-shirt ang “kambal na bundok”. Pero dahil basa na ang t-shirt, kahit na hindi siya tumungo ay malinaw ko nang nakikita ang mga cute na “bundok”. Bakat na bakat ang katawan sa ba­sang puti na t-shirt. Lalong gumanda ang babae sa tingin ko dahil nabasa ang hanggang balikat na buhok.

Wala akong kakilus-kilos sa pagkakaposisyon sa itaas ng mangga. Si­gurado ang pagkakakapit ko at baka mahulog. Na­ram­daman ko, kapag basa pala ang punong mangga, madulas ito. Kaya doble ang pag-iingat at baka mahulog. Kapag nahulog ako, swak sigurado ako sa pader at makikita ako ng babae. Bistado ang pani­nilip ko.

Tumigil ang ulan. Parang hinawi. Kung gaano kalakas nang dumating ay ganoon naman kabilis na nawala.

Natapos dukalin ng babae ang mga tanim. May nakita akong putik sa mga kamay. Akala ko tapos na siya. Akala ko papasok na sa loob ng bahay. Pero sa gilid lamang pala ng bahay nagtungo at nang magbalik, dala ang isang hose. Ikina­bit sa isang gripo na malapit din sa pader na nasa tapat ng mangga. Bumulwak ang tubig sa hose. Itinapat ng babae ang hose sa kan­yang ulo at pagkatapos ay sa katawan. Hindi ako humihinga. Lalong nama­kat ang katawan nang mabasa ng tubig. Napa­lunok ako.

Pinagbuti ko ang pag­kakawahak sa sanga. Mas maganda pa ang susunod na panoorin. Nakikita kong doon na maliligo ang babae.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BABAE

BAKAT

BISTADO

BITBIT

BUMULWAK

DINUKAL

LALONG

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with