^

True Confessions

Ako ay Makasalanan (73)

- Ronnie M. Halos -

“ALAM mo bang napang­hal ako sa paghihintay sa Morayta. Isang oras akong naghintay sa’yo pero wala kahit anino mo,” sabi ni prof na tila pinipigil ang sarili. Sumulyap na­man ako sa paligid at baka me kaklase ako sa pali- gid ay marinig ang aming pinag-uusapan.

“Sumakit nga ang tiyan ko. Hindi ko kaya kaya umu­wi na agad ng ha- pong iyon.”

Nakatingin lamang sa akin si prof at tila sinasa­lamin kung nagsasabi ako ng totoo. Kinakabahan na­man ako. Baka kung ano pa ang sabihin sa akin at may makarinig.

“Absent nga ako kaha­pon kasi nga masama   ang pakiramdam ko. Akala ko nga kung mapapaano ako. Ngayon nga e masa­ma pa at laging maantak ang tiyan ko.”

Umamo ang mukha ni Prof. Parang nakuha ko ang loob. Kaunting drama pa at sigurong okey na.

“Baka nga umuwi muna ako sa probinsiya at mag­pahinga. Baka tumigil na ako sa pagpasok. Gusto kong magpaospital.”

Nabahala naman ang mukha niya sa sinabi ko. Para bang hindi makaka­yang wala ako sa piling niya.

“Aba e ba’t ka pa uuwi sa probinsiya e di dito ka na magpaospital.”

“Siyempre mas magan­da sa probinsiya dahil andun ang parents ko.”

“Dito ka na lang magpa­ospital sa Maynila. Gusto mo samahan kita? Me ka-ki­lala akong doctor.”

Kitam! Siya pa ngayon ang nag-aalok. Baka siya na rin ang gagastos sa check-up ko, ha-ha-ha!

“Ako na lang. Gusto ko umuwi muna sa probin- siya at magpahinga. Kaila­ngan ko siguro ng rest.”

“Teka, e paano tayo?” nag­mamakaawa ang tinig.

“E di wala muna kasi nga nasa probinsiya ako.”

“Huwag ka munang mag­da-drop ng subjects mo. Baka hindi ka na makaba-    lik dito e sayang naman ang na-enrol mo. Mag-file ka muna ng leave. Teka saan nga bang probinsiya mo.”

Hindi ko sinabi.

“Ba’t ayaw mong sabi-hin?”

“Huwag na.”

“So kailan ka babalik    dito sa Maynila?”

“Bahala na.”

“Pagdumating ka na, tawagan mo ako ha. Ito ang number ko sa bahay…” Di­nukot ko ang pitaka at ku­muha ng calling card. Iniabot sa akin. Tinanggap ko ang card.

“Sige, me kakausapin pa ako,” sabi ko.

“Sige ingat ka Tess. Tawagan mo ako ha?”

Tumango lamang ako.

Hindi mo na ako ma­kikita pa. Hindi na ako    pa­pasok. Bakit pa e ma­ayos na ang lagay ko     kay Mon.

Iyon ang sinasabi ng isip ko habang naglala- kad palayo kay Prof. Mag­­hintay ka sa wala!

(Itutuloy)

AKO

HUWAG

MAYNILA

SHY

SIGE

TEKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->