^

True Confessions

Ako ay Makasalanan (26)

- Ronnie M. Halos -

LASING na yata ako. Totoo ba ang nakikita ko? Si Cherry at Carlo, sa isang posisyon habang nakasandal sa pader! Wala silang pakialam. Kahit alam nilang ma­raming bisita sa salas at anumang sandali ay makikita sila. Masyadong malakas ang loob ng dalawa.

Itinuloy ko ang pag­tungo sa comfort room na mga tatlong hakbang na lang ang layo. Nang makapasok ako sa loob ay agad kong ni-lock. Na­pasandal ako sa pader. Naalala ko ang tagpo ng dalawa. Walang takot at walang pakialam! Matagal ako sa pagkakasandal sa pader. Pati ang pag-ihi na talagang sadya ko sa CR ay nalimutan ko. Kumilos ako para buksan ang gripo. Sinahod ko ang aking kanang palad at sumahod ng tubig. Nang mapuno ang palad ay hinilamos ko sa mukha. Medyo gumin­hawa ang pakiramdam ko.

Saka ko naramdaman ang hapdi at bigat ng puson. Umihi ako. Pagka­tapos ay ipinasya ko nang lumabas. Ayaw ko nang sul­yapan ang dakong kinaroroonan nina Cherry at Carlo pero hindi ako makatiis. Sinulyapan ko. Pero wala na ang dalawa roon. Nasaan na? Baka iniwan na ako.

Nagtungo na ako sa salas. Si Bobby ay nasa da­ting puwesto na iniwan ko ka­­nina. Gusto ko nang umuwi. Baka malasing ako nang todo. Nararamdaman ko, makapal na ang pisngi ko.

“Ang tagal mo, Mari­tess,” sabi ni Bobby.

Hindi ako sumagot. Ni hindi ako umupo.

“Si Cherry ba napansin mo kung nasaan?” tanong ko.

“Nandiyan lang yun. Halika na upo na. Marami pang inumin.”

“Ayoko na.”

“Ay ang korni nito.”

“Ayaw ko na nga, Bobby.”

“Last na ito. Sige na.”

Aywan ko kung bakit hindi na ako nakatanggi. Naupo ako. Inabot ang baso na may juice. Ti­nungga ko. Aywan ko, pero masarap yata ang huling lagok. Pakiram­dam ko, umikot nang umikot ang paligid ko. At naramdaman ko naka­sapo na ang palad ni Bobby sa “papaya” ko. (Itutuloy)

AKO

AYAW

AYOKO

AYWAN

NANG

SHY

SI BOBBY

SI CHERRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with