“ANG sarap ng beer!” sabi ni Cherry matapos makasimsim. Ang bula ng beer ay bumakat pa sa kanyang nguso. Pinahid niya iyon ng tissue.
Natakawan na rin ako. Sumimsim ako. Mapait sa una pero nang madama ko ang tamang-tamang lamig, napalaki ang lagok ko.
“O di ba masarap, Maritess. Ikaw lang, aarte-arte ka pa.”
“E sa talagang napaitan ako nang una tayong uminom.”
“Masarap na pulutan dito e spicy dilis.”
“Umorder ka, Cherry. Akong magbabayad, marami pa naman akong pera.”
Tinawag ni Cherry ang waiter. Umorder ng spicy dilis.
“Marami bang naibentang palay si papa mo?” ta nong nito nang makaalis ang waiter.
“Kopra ang marami.”
“Sa amin, gulay ang produkto.”
“Alam ba ng mother mo na malakas kang uminom, Cherry?”
“Ewan ko. Siguro alam,” sabi at tumungga uli. Mababang kalahati na ang mug.
“Umorder na kaya ng isang pitcher. Mas makakamura tayo.”
“Kakahiya, Cherry baka sabihin e mga sanay tayong uminom.”
“Kanino ka mahihiya e tingnan mo nga at ang mga nasa paligid natin e pitsel-pitsel na ang nasa mesa. Tayo nga ang pinakamahina.”
“Baka naman hindi natin maubos ang isang pitsel.”
“Yakang-yaka!” Nang du mating ang spicy dilis, umorder na ng isang pitsel si Cherry.
“Okey tuloy ang ligaya. Sabi ko sa’yo mas masarap ang buhay natin ngayon kaysa noong nasa boarding house tayo ni Mely. Doon e parang martial law. Talo pa si Makoy.”
“Hoy yang bibig mo me makarinig e arestuhin tayo.”
“Hindi ako natatakot.”
Lasing na agad yata ang gagang si Cherry.
“Kung hindi ka umalis kay Mely, sigurado, bata ka na nun.”
“Hindi naman ako papayag.”
“Masasabi mo ba ‘yun.”
“Ayaw kong makipagre lasyon sa babae, Cherry.”
“Talaga naman. Mas masarap sa lalaki.”
“Ikaw me boyfriend ba ngayon?”
“Merong umaaligid pero ewan ko. Parang ayaw ko nang makipagrelasyon.”
“Bakit naman?”
“Baka magkamali muli.”
“Kaklase mo ba yung aali-aligid?”
“Kaibigan ng kaklase ko.”
“Guwapo?”
“Puwede na rin,” sagot ni Cherry at uminom. Dumampot ng dilis pagkatapos.
“Ikaw Maritess, wala bang nagbabalak lumigaw sa’yo.?”
“Mayroon kaya lang mga hindi ko type.”
Nagtawa si Maritess.
Naubos namin ang pitsel ng beer. Uminog ang mundo ko. Gabi na kami nang umu wi. Kinabukasan, hindi masakit ang ulo ko. Tama si Cherry sa umpisa lang masakit ang ulo.
Lumipas pa ang ilang araw. Isang hapon na umuwi ako, may naratnan akong lalaki sa aming kuwarto. Nagku kuwentuhan sila ni Cherry. ‘Yun yata ang nanliligaw kay Cherry. (Itutuloy)