^

True Confessions

Black Pearl (47)

- Ronnie M. Halos -

“PERO kahit na patuloy sa paglilingkod sa akin si Melissa, hindi pa rin naman nawawala sa akin ang pangamba na baka isang araw e torototin na naman ako. Kasi’y ma­ aaring “katihin” lalo na kapag sobra na ang na­daramang kaelyahan. Bata pa kasi siya. Kaya hindi pa rin ako lubos na nagtitiwala kahit na sob­rang hirap ng ginagawa sa akin.

“Hanggang sa lumipas ang ilang taon at wala naman akong napansin na sinusumpong ng “ka­ elyahan” ang “itim na perlas”. Patuloy ang buhay namin minus na ang pagsisiping dahil wala namang ibubuga si “Bitoy”. At kung sakali man at magkaroon ng lakas si “Bitoy” baka hindi ko rin galawin dahil nadidiri ako. Ewan ko. Basta ganoon ang nasa isip ko.

“Ilang beses pa niyang tinanong kung napatawad ko na siya. Umiling ako. Okey lang daw. Ang sa kanya raw naman ay nagta­tanong lang. Kung hindi niya ako mapatawad, wala raw siyang magagawa.

“Pero maigagawad ko pala ang todong pagpapa­tawad sa kanya dahil sa isang pangyayari. Kapag pala nakagawa naman sa iyo ng isang napakalaking bagay na buhay ang naka­salalay, malilimutan na ang mga pagkakasala. Iniligtas ako ni Melissa sa isang tiyak na kamatayan.

“Meron akong ipinaga­wang bahay na gawa sa kawayan at pawid sa lupang malapit sa aking taniman. Kapag inaabot kami ng gabi ay doon na kami natutulog ni Melissa. Nang gabing iyon ay kaming dalawa lamang ni Melissa ang nasa kubo. Yung matandang drayber ay nagpaalam sa akin na uuwi ng bayan dahil may sakit ang asawa. Babalik na lang daw siya nang ma­agang-maaga.

“Hatinggabi nang ma­gising kami ni Melissa na nasusunog ang aming bahay. Ang laki ng sunog. Palibhasa’y pawid at ka­wayan kaya madaling lumaki. Sa kusina nagsi­mula ang sunog at unti-unting kumalat sa kuwar­tong aming tinutulugan.

“Si Melissa ang unang nakaramdam ng sunog. Nagising ako sa malakas na yugyog. Ang init! Para na kaming nililitson sa lakas ng apoy. Nakikita ko na nasa panganib na talaga kami. Masusunog kami nang buhay.

“Saka nakita kong ma­bilis na nahatak ni Me­lissa ang wheelchair sa aking paanan at agad akong inalalayan para maisakay doon. Napaka­init ng wheelchair nang aking upuan. Parang malalapnos ang puwet ko. Itinulak ni Melissa pero problema kung saan kami dadaan dahil nila­lamon na ng apoy ang pinto ng aming kuwarto. Parang gusto ko nang bumigay sa pagkakata­ong iyon.”

(Itutuloy)

AKO

BABALIK

BATA

BITOY

EWAN

KAPAG

MELISSA

SHY

SI MELISSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with