^

True Confessions

Black Pearl (6)

- Ronnie M. Halos -

“PAGAMIT uli ng CR,” sabi ko nang dumaan sa harap ni Melissa.

Tumango lang ito at ngumiti ng tipid. Naalala ko kanina nang yumuko si Melissa at masulya- pan ko ang dalawang bundok na natatakpan ng itim na bra. Hayop ka Frank, pati ang asawa ng kaibigan mo e pinagpa­pantasyahan mo. Inalis ko sa isipan ang nakitang iyon. Hindi dapat ganoon. Marami na kaming pi-nag­samahan ni Fernan­do. Kung tutuusin, para ngang kapatid ko na. Sa Riyadh, madalas kaming magtulungan. Kapag hin­di ko alam ang trabaho sa department namin, siya ang tinatawag ko. Kaya nang sabihin niyang tata­pusin   na ang kontrata ay nalung­kot ako. Masyado kaming naging malapit sa isa’t isa ni Fernando.

Tinapos ko ang pag-ihi. Nang lumabas ako ay wala na sa kinatatayuan si Melissa. Mabuti naman para wala akong maimadyin.

“Ang dalas mo namang umihi Frank,” sabi ni Fer­nando.

“Nakakaihi talaga ang beer.”

“E ba’t ako?”

“Sanay ka na siguro kaya kahit gaano karaming beer e hindi maihi.”

Inungkat ko ang tungkol sa pinag-uusapan naming kanina na pagbili ko ng lupa dito sa Pinamalayan. Naisip ko mas maganda nga yata kung magtatanim na lang ako kaysa mag-manage ng junkshop o iba pang negosyo. Baka malugi lang ako. Kung magtata­nim, at least may alam ako. Iyon nga lang, kailangan ng sipag at tiyaga.

“Bumili ka na lang ng lupa, Frank at saka taniman ng halamang gamot at prutas. Tutal uso ngayon ang mga herbal products. Ultimong luyang dilaw nga­yon ay hinahanap ng mga gumagawa ng gamot.”

“Ang galing mo talaga Fernando. Sige nga pagta­ta­nim na lang ang aatu­pa­gin ko.”

“Dito ka na talaga titira sa Pinamalayan. Kalimu-tan mo na ang magulo at polluted na Maynila.”

“Sana suwertehin din akong katulad mo, Fer­nando.”

“Susuwertehin ka rin. Huwag ka lang magkaka­sakit na katulad ko. Ka­wawa talaga kapag nag­kasakit Frank. Kawawa pati asawa ko…”

Nakatingin ako kay Fer­nando. Naaawa ako sa kanya. Alam ko kung bakit siya naaawa kay Melissa.

Ipinagpatuloy ko ang pag-inom. Si Fernando ng sulyapan ko ay naka­pikit na. Tulog na yata ang kaibigan ko. Yung iniinom na beer sa bote ay kala­hati pa. (Itutuloy)

AKO

ALAM

FERNANDO

LANG

PINAMALAYAN

SA RIYADH

SHY

SI FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with