Laman (62)
MAKALIPAS ang dalawang araw, muling tinawagan ni Ate Lina si Cynth. Ibang cell phone ang kanyang ginamit para hindi siya maiwa-san ni Cynth. Tiyak na nai-save nito ang unang number.
“Hello?”
“Kumusta ka Cynth?”
“Ikaw na naman demonya ka!”
“Huwag mong ibababa dahil marami akong sasabihin sa’yo. Baka magsisi ka kapag hindi mo narinig ang mga sasabihin ko.”
“Huwag mo akong takutin dahil hindi ako natatakot sa iyo!”
“Talaga? Kahit na sabihin ko sa’yung malapit ka nang layasan ng siyota mo?”
Hindi agad nakasagot si Cynth. Nabigla kung bakit biglang naisingit ang tungkol sa kanyang siyota. Pero dahil matapang at malakas din ang loob, nagawa ring magtawa ni Cynthia.
“Gaga ka talaga ano? Hindi mo ba alam na malapit na akong ikasal? Huwag mo akong takutin at baka ipasalvage na kita. Kayang-kaya kong ipa-trace ang number mo.”
“Hindi na kailangan, Cynth. Sinabi ko lang ang masakit na mangyayari sa’yo. Tandaan mo ang sinabi ko!”
Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang nag-sara ng cell phone. Ha-ha-ha!
Nagdiwang na agad si Ate Lina. Naimadyin daw niya kung gaano nairita si Cynthia. Sigurado raw na hindi nito malaman ang gagawin.
Nang magkita raw naman sila ni Raffy nadulas ang dila nito at may nasa-bi tungkol sa siyotang si Cynth. Patay-malisya naman daw si Ate Lina.
“Nahahalata yata ako, Lina.”
“O e di mas maganda. Di ba mas magandang malaman na niya.”
“Baka masaktan, Lina.”
“Sino ba ang gusto mo, siya o ako?”
Hindi makapagsalita si Raffy.
Meron na agad na-iisip si Ate Lina para hindi na makawala si Raffy.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending