Laman (37)

“Mawawala rin ito. Mag­papahinga lang ako,” sabi raw ni Joshua kay Ate Lina.

“Dapat malaman ito ng mommy mo, Joshua.”

“E di luluwas na na­man ‘yon dito. Hindi na naman tayo magkikita.”

“E kaysa naman gan­yan ka na parang lantang gulay. Mas mabuting ma­laman niya.”

“Halika nga rito sa tabi ko Lina. Siguro ikaw lang ang makakapagpagaling sa akin.”

“Joshua ha baka kung ano ang isipin ni Cynth. Nasa kitchen siya kanina habang nagluluto ako at marami na namang sina­bing masasakit.”

“Huwag mo siya intin­dihin, ako na lang ang in­tindihin mo.”

“Sira!”

“Halika na rito sa tabi ko.”

May nararamdaman daw kaba si Ate Lina pero kaunti lang. Siguro’y dahil sa pinalalakas daw ni Jo-   shua ang loob niya. Tinu­turuan siyang huwag ma­takot kay Cynth.

Lumapit daw siya kay Joshua at naupo sa gilid    ng kama. Niyakap siya ni Joshua. Hindi niya iwinaksi ang kamay ni Joshua at nagpaubaya na lang dito.

“Isod ka pa nga, Lina.”

Umisod daw si Ate Lina. Pagkaisod daw ni Ate Lina ay lalo pa siyang niyakap nang mahigpit at naging dahilan para siya mabuwal sa kama. Napahiga siya tabi ni Joshua. Hinalikan daw siya ni Joshua sa pisngi.

“Ambango mo naman.”

“Amoy kusina nga ako eh.”

“Mabango ka pa rin kahit amoy kusina.”

“Bola.”

Hinalikan daw uli siya.

“Ambango talaga.”

“Joshua baka may mang­yari sa atin ha?”

“Ba’t mo alam?”

Napahagikgik daw si Ate Lina.

“Mabuti ka pa alam mong may mangyayari saman­talang ako e hindi.”

Napahagikgik daw uli si Ate Lina.

“Alam mo hindi ko pa nalilimutan ang ginawa natin sa sinehan. Para bang na­ darama ko pa ang lam­bot at nalalasap pa ang sarap.”

“Sira.”

“Sira na kung sira.”

Hinalikan daw siya ni Joshua sa pisngi at pagka­raan ay sa leeg. Guma­pang hanggang taynga ang halik. Nanindig daw ang balahibo niya pero masarap at nakakakiliti. May bumabangon daw sa kanyang kaibuturan. Hindi raw niya kayang sansalain ang salakay ng lalaking sinasamba ni Ate Lina. Bahala na. (Itutuloy)


Show comments